Wednesday, February 10, 2010

Ang Paggamit ng Palikuran

Ayon kay Anas (RA): Kapag nais ng Sugo ni Allah (SAS) na pumasok sa palikuran ay nagsasabi muna siya ng ‘ ALLAHUMMA INNEE A’OODHU BIKA MINAL KHUBUTI WAL KHABAA’ITH’ (O Allah, ako po ay nagpapakupkop sa iyo laban sa masama at mga demonyo).

Ayon kay A’isha (RA): Kapag ang Sugo ni Allah (SAS) ay nakalabas na sa palikuran, ang sinasabi niya ‘ GHUFRANAK’ ( Hinihingi ko po ang Iyong kapatawaran).

Ayon kay Jabir bin Abdullah (RA): Ipinagbabawal ng Sugo ni Allah (SAS) na umihi sa tubig na hindi umaagos.

Ang mga Aral

1. Bago pumasok ang isang Muslim sa palikuran, mainan na sabihin niya ang “ALLAHUMMA INNEE A’OODHU BIKA MINAL KHUBUTI WAL KHABAA’ITH” at kapag nakalabas na siya ay sabihin niya ang “GHUFRANAK”.
2. Kapag dudumi o iihi sa labas (kung walang palikuran) kailangang hindi makita ng ibang tao ang AWRAH (para sa mga lalaki, ang bahagi ng katawan sa pagitan ng pusod at tuhod) at kailangang lumayo at huwag magpakita sa mga tao. Kailangang huwag humarap o tumalikod sa QIBLAH (ang dakong kinaroroonan ng KA’BAH) kapag iihi o dudumi.
3. Kailangang sikapin na hindi mabahiran ng ihi o dumi ang kasuutan at kailangang maglinis na maigi pagkatapos umihi o dumumi, sa pamamagitan ng tubig hanggang maaari.
4. Inilalahad dito ang pagiging ganap ng pananampalatayang Islam na sinasaklawan at nililinaw ang lahat ng mga bagay pati na ang kagandahang asal sa paggamit ng palikuran.

No comments:

Post a Comment