Wednesday, February 10, 2010

Ang Awa

Ang sabi ni Allah hinggil sa kanyang Propetang si Muhammad (SAS): Sa mga mananampalataya (si Muhammad ) ay napakamahabagin at maawain. ( 9 :128 )

Ang sabi naman ni Allah hinggil sa mga mananampalataya: (Ang mga mananampalatya) ay mga maaawain sa isa’t-isa .( 48 : 29 )

Ayon kay Jareer bin Abdullah (RA): Ang sabi ng Sugo ni Allah )SAS): “ Hindi kahahabagan ni Allah ang hindi (marunong) mahabag sa mga tao .”

Ayon kay Abu Hurayrah (RA): Narinig ko si Abul Qasim ( isa sa mga tag-uri kay Propeta Muhammad (SAS) na nagsabing: “ Walang pinagkakaitan ng awa kundi ang mga sawing-palad.”

Ang mga Aral

1. Ang pagiging maawain ay isa sa mga katangian ng mga mananampalataya.
2. Ang taong marunong maawa ay kaaawaan din ni Allah.
3. Ang pagkawala ng awa sa puso ay tanda ng pagiging sawing –palad ng isang tao.

No comments:

Post a Comment