Monday, December 14, 2009

Ang Shirk At Ang Tawheed


Ang sabi ni Allah: “Tunay na ang shirk (Pagtatambal kay Allah ) ay isang malaking kawalan ng katarungan. (31:13 )

“At naipahayag sa iyo (Muhammad) at gayon din sa mga nauna sa iyo, na kung ikaw ay magtatambal kay Allah ay totoong mawawalan ng saysay ang iyong mga gawa at ikaw ay mapapabilang sa mga talunan.” (39:65)

“Nilalang Ko lamang ang jinn at ang tao upang Ako’y kanilang sambahin.” (51:56)

At nagpadala kami sa bawat bansa ng sugo na (ang ipinangangaral ay): “ Sambahin ninyo si Allah at iwaksi ninyo ang mga diyus-diyosan.” ( 16 :36 )

Ayon kay Jabir (RA), sinabi ng Sugo ni Allah (SAS) na: ‘Ang sinumang makatagpo si Allah nang hindi niya ito tinatambalan ng anuman ay papasok sa paraiso. At ang sinumang makatagpo si Allah nang tinatambalan niya ito ng anuman ay papasok sa Impiyerno.

Ayon kay Abu Hurayrah (RA), sinabi ng Sugo ng Allah (SAS) na: Pangilagan ninyo ang pitong mortal na kasalanan. Ang sabi nila,’O Sugo ni Allah, anu-ano po ang mga iyon?’ Ang sabi niya, ‘Ang Pagtatambal kay Allah,……’

Ayon kay Mu’adh bin Jabal (RA): Habang ako noon ay nakaangkas sa likuran ng Propeta (SAS) nang siya ay nakasakay sa isang asno, sinabi niya (sa akin), ‘O Mu-adh, nalalaman mo ba ang karapatan ni Allah sa mga tao at ang karapatan ng mga tao kay Allah? Ang sabi nito, ‘si Allah po at (kayo na) Kanyang Sugo ang higit na nakaaalam.’ Ang sabi niya (SAS), ‘ Karapatan ni Allah sa mga tao na Siya lamang ang sambahin nila at hindi tambalan ng anuman at karapatan naman ng mga tao kay Allah na hindi Niya parurusahan ang sinumang hindi nagtatambal ng anuman sa Kanya……’

Ang mga Aral

1. Ang shirk ay mapanganib at hindi ito mapapatawad kung hindi pagsisisihan. Ito ay hindi katulad ng ibang mga kasalanan na maaaring mapatawad kung nanaisin ni Allah.
2. Ang sinumang mamatay na ang kasalanan ay shirk, mawawalan ng saysay at halaga ang kanyang gawa. Ang shirk ang dahilan kung bakit mananatili ang isang tao sa impiyerno magpakailanman.
3. Ang Tawheed (Pagsamba kay Allah lamang ) ang siyang dahilan kung bakit nilalang ang jinn at ang tao at ito rin ang pinakapangunahing dahilan ng pagpasok sa paraiso at ang dahilan ng kaligtasan sa Impiyerno.

Sunday, December 13, 2009

Ang Panganib Ng Pagpapakitang-Tao Sapagkat Ito ay Isang Uri Ng Shirk

Ang sabi ni Allah: “Kaya kapighatian sa mga (ipokritong)nagdarasal, inaantala ang kanilang dasal, na gumagawa ng mabuti upang makita lamang (ng mga tao), ngunit tumatanggi namang magbigay ng katiting na tulong”. (107: 4 –7 )

Ayon kay Abu Sa’eed bin Fudalah (RA): Narinig ko ang Sugo ni Allah (SAS) na nagsabing: Kapag tinipon na ni Allah ang buong sangkatauhan sa araw ng paghuhukom, ang araw na walang alinlangang darating, may isang mananawagan na magsasabing; ‘Ang sinumang gumawa alang-alang kay Allah at sa anumang itinambal niya kay Allah. Si Allah ay hindi nangangailangan ng mga katambal.

Ayon kay Abu Sa’eed Al-Khudree (RA): Pumunta sa amin ang Sugo ni Allah (SAS) habang pinag-uusapan namin ang tungkol sa bulaang Kristo (Al-Maseeh AD-Dajjal) at ang sabi niya (SAS), ‘ Hindi ba’t nais ninyong ipagbigay-alam ko sa inyo ang sa tingin ko’y lalong nakatatakot para sa inyo kaysa sa bulaang Kristo?’ Kaya ang sabi namin, ‘Opo, Sugo ni Allah.’ Ang sabi niya, ‘ Ang tagong shirk. ( Ang halimbawa nito ay) kapag nagsasagawa ang isang tao ng Salah ay pinagaganda niya ang pagsasagawa kapag nakita niyang may nakatingin sa kanya.’

Ang mga Aral

1.Ang lahat ay binibigyang-babala laban sa pagpapakitang-tao at ang mga nagpapakitang-tao ay binibigyan ng mariing banta.
2.Ang tao ay maaaring makagawa ng pagpapakitang-tao nang hindi niya namamalayan, kaya dapat maging maingat.
3.Ang gawa ng nagpapakitang-tao ay tatanggihan at hindi katanggap-tanggap..
4.Ang pangamba ng Propeta (SAS) na ang kanyang mga kasamahan (SAHABAH) ay magkakasala ng pagkakasalang pagpapakitang-tao, sa kabila ng lahat na sila ang pinakamainan na nilikha matapos ang Propeta, ay nagpahiwatig kung gaano kapanganib ang pagpapakitang-tao.

Ang Karapatan Ng Muslim

Ang Karapatan ng Muslim

Ang sabi ni Allah: Ang mga mananampalataya ay magkakapatid ( 49 :10 )

Ayon kay Abu Moosaa (RA), sinabi ng Sugo ni Allah (SAS) na: Ang mananampalataya sa kapuwa mananampalataya ay katulad ng isang gusali – pinatatatag nila ang isa’t-isa.

Ayon kay Abu Hurayrah (RA), sinabi ng Sugo ni Allah (SAS) na: Ang Muslim ay kapatid ng kapuwa Muslim. Hindi niya ito pinagtataksilan, hindi pinagsisinungalingan, at hindi iniiwan sa sandali ng pangangailangan nito. Ang lahat ng nasa Muslim- ang kanyang karangalan, kanyang pag-aari, at ang kanyang buhay ay hindi maaaring lapastanganin ng kanyang kapuwa. Ang takot ay narito (sa puso). Masama para sa isang Muslim na hamakin niya ang kanyang kapuwa-tao, lalo na ang kapatid (sa pananampalataya).

Ayon kay Anas (RA), sinabi ng Propeta (SAS) na: Hindi tunay na naniniwala ang sinuman sa inyo hangga’t hindi niya ninanais sa kanyang kapatid (sa pananampalataya ) ang anumang ninanais niya ukol sa kanyang sarili.

Ayon kay Abu Hurayrah (RA0, sinabi ng Sugo ni Allah (SAS) na : Si Allah ay tumutulong sa kanyang lingkod hangga’t ang lingkod na iyon ay tumutulong din sa kanyang kapatid (sa pananampalataya ).

Ang mga Aral

1. Ang mga mananampalataya ay kapatid ng kapuwa mananampalataya maging ito man ay bata o matanda, namumuno o nasasakupan.
2. Hinihimok ang mga Muslim na magtulungan at saklolohan, hindi upang gumawa ng kasalanan, ang lahat ng nangangailangan ng tulong.
3. Mainam ang tumulong sa nangangailangan at malaki ang gantimpalang inilaan dito ni Allah.

Ang Kabanalan Ng Buhay Ng Muslim

Ang sabi ni Allah: “ Ang sinumang pumatay nang sadya ng isang mananampalataya, ang kanyang magiging gantimpala ay impiyerno na paninirahan niya magpakailanman. Magagalit sa kanya si Allah, isusumpa Niya siya, at ipaghahanda Niya siya ng isang malubhang kaparusahan. ( 4 : 93 )

Ayon kay Abdullah bin Mas’ood (RA), sinabi ng Sugo ni Allah (SAS) na: Ang unang kasalanan na hahatulan sa mga tao sa araw ng paghuhukom ay ang tungkol sa pagpatay.

Ayon kay Abdullah bin Amr (RA), sinabi ng Sugo ni Allah (SAS) na: tunay na ang paglaho ng daigdig ay higit na magaan kay Allah kaysa sa pagpaslang sa isang Muslim.

Ang mga Aral

1. Mariin ang babalang ibinigay laban sa pagpatay sa isang Muslim. Inilahad din dito kung gaano kabanal ang buhay ng isang Muslim para kay Allah.
2. Ang unang hahatulan sa mga tao sa araw ng paghuhukom ay ang mga pagpatay dahil sa ang mga ito ay lubhang napakalaking kasalanan.
3. Ang parusa dito sa lupa ay ang pananatili magpakailanman sa Impiyerno

Ang Pagiging Mapanganib Ng Dila

Ang sabi ni Allah: Ang anumang katagang kanyang bibigkasin ay may nakabantay (na anghel) na nakahandang (magtala). (50 : 18 )

At huwag mong sundan ang bagay na wala kang kaalaman. Tunay na ang pandinig , ang paningin, at ang puso- ang lahat ng ito ay itatanong sa iyo (ni Allah) (17 :36 )

Ang sabi ni Moosa Al-Ash’ari (RA), sinabi ng Sugo ni Allah (SAS) na: Ang sinumang mangako sa akin na hindi niya gagamitin sa masama ang nasa pagitan ng kanyang bigote at balbas (dila) at ang nasa pagitan ng kanyang dalawang hita (ari), ipinangangako Ko rin sa kanya ang paraiso.

Ayon kay Abu Hurayrah (RA), sinabi ng Sugo ni Allah (SAS) na: Maaaring ang isang tao ay makapagsalita ng salitang hindi niya muna pinag-isipan kung ito ay tama o mali, kaya dahil doon ay maaari siyang madapa sa impiyerno na ang lalim ay higit na malayo kaysa sa pagitan ng silangan at kanluran.

Ang mga Aral

1. Inilalahad dito kung gaano kapanganib ang dila kaya kailangang pag-ingatan ito. Ang tao ay maaaring madapa sa inpiyerno dahil sa isang salitang walang ingat niyang sinabi. Ang walang pakundangang pagsasalita ang isa sa mga dahilan ng pagpasok ng tao sa impiyerno at ang pag-iingat sa pagsasalita ang isa sa mga dahilan ng pagpasok sa paraiso. Ang pagkakamali ng maraming mga tao ay sanhi ng walang ingat nilang pagbibitaw ng mga salitang walang kabuluhan.
2. Ang mga tao ay papananagutin sa kanyang mga sinabi at mga ginawa. At ang pinakamapanganib na bahagi ng katawan na tao ay ang dila at ang ari (sex).

Ang Kaibigan


Ang sabi ni Allah: Ang mga magkakaibigan, sa araw na iyon, ay magiging mga magkakaaway maliban sa mga may takot kay Allah. ( 43:67)

At sa araw na kakagatin ng mapang-api ang kanyang kamay (dahil sa pagsisisi) ay sasabihin niya: “Oh, kung sana’y tinahak kong kasama ng Sugo ang landas (ng katotohanan). Ah! Kapighatian sa akin! sana’y hindi ko ginawang kaibigan si kuwan. Tunay na inilayo niya ako sa paalaala (Qur’an) matapos na ito,y dumating sa akin.”… (25 :27 –29)

At babalingan nila ang isa’t-isa sa kanila at magtatanungan. May isa sa kanila na magsasabing: “Tunay na ako ay may kasamahan (Sa daigdig) na nagsasabing: “kabilang ka ba sa mga naniniwala (sa pagkabuhay na muli?) Na kapag tayo ay namatay at naging alabok at mga buto, tayo ba ay (bubuhaying muli) upang gantimpalaan o parusahan (ayon sa ating gawa?)” Ang sabi niya: “ Titingin ba kayo sa ibaba?” kaya tumingin siya at nakita niya (ang kanyang kasama sa daigdig) na nasa gitna ng apoy. Ang sabi niya: “isinusumpa ko kay Allah, kamuntik mo na akong masira. At kung hindi dahil sa pagpapaalaala ng aking Panginoon, kabilang na sana ako sa mga dinala sa (Impiyerno). (37:50-57)

Ang sabi ng Sugo (SAS): Ang isang tao ay tumatahak sa landas ng kanyang kaibigan; kaya tingnan ng bawat isa sa inyo ang kanyang kinakaibigan.

Ang sabi ng Sugo (SAS): May pitong uri ng tao ang pasisilungin ni Allah sa kanyang lilim, sa araw na walang lilim kundi ang Kanyang lilim lamang: …….. ang dalawang tao na nagmamahalan alang-alang kay Allah; nagkikita lang-alang sa Kanya at naghihiwalay alang-alang sa Kanya……

Ang mga Aral

1. Hindi maiiwasang magkaroon ng kaibigan ang isang tao; kaya dapat na maging masigasig na magkaroon ng mabuting kaibigan na papatnubay at tutulong sa kabutihan.
2. Ang kaibigan ay maaaring maging isang matinding kaaway kung siya ay nagtutulak sa pagsuway at di-pagsampalataya kay Allah.
3. Mag-ingat sa pakikipagkaibigan sa mga di-mananampalataya sapagkat maaari silang makasagabal sa isang Muslim sa paggawa ng mabuti at pagsunod kay Allah.

Ang Pag-aalaala Kay** Allah

Ang sabi ni Allah: At alalahanin ninyo si Allah nang madalas nang sa gayo’y magtagumpay kayo. (62:10)

O mga sumasampalataya, alalahanin ninyo si Allah nang madalas na pag-aalaala at luwalhatiin ninyo Siya umaga at gabi. (33 :41 )

Ayon kay Abu Moosa Al-Ash’aree (RA), sinabi ng Propeta (SAS) na: Ang kahalintulad ng umaalaala sa kanyang Panginoon at ng hindi umaalaala sa kanyang Panginoon ay katulad ng buhay at patay.

Ayon kay Abu Hurayrah (RA), sinabi ng Sugo ni Allah (SAS) na: May dalawang salitang magaan sa dila, mabigat sa timbangan (ng mga gawa), pinakamamahal ng Pinakamahabagin (Allah): Ang “ Subhaanallahi wa Bihamdih” at ang “Subhaanallahil Adheem” (Luwalhatiin si Allah at Purihin Siya at Luwalhatiin si Allah na Dakila ).

Ayon pa rin kay Abu Hurayrah (RA), sinabi ng Sugo ni Allah (SAS) na: Ang ako’y magsabi ng “Subhaanallahi wal hamdulillahi” (Luwalhatiin si Allah at Purihin si Allah ) at “ La Ilaaha IllaLLahu waLLahu Akbar” (walang tunay na Diyos kundi si Allah, si Allah ay dakila ) ay mas ibig ko pa kaysa sa lahat ng bagay na sinisikatan ng araw.

Ayon kay jabir (RA): Narinig ko ang Sugo ni Allah (SAS0 na nagsabing: “Ang Pinakamainam na salita sa pag-aalaala ( kay Allah ) ay: “La Ilaaha IllaLLah” (walang tunay na Diyos kundi si Allah )

Ang Kagandahang-Asal Sa Harap Ng Pagkain

Ayon kay A’isha (RA), sinabi ng Sugo ni Allah (SAS) na: Kapag kakain, sasabihin ang ‘BISMILLAH’ (Sa Ngalan ni Allah ). Subalit kung nakalimutan at naalaala lamang sa bandang huli, sabihin ang ‘ BISMILLAH fee awwalihi wa akhirihi’ (Sa Ngalan ni Allah, sa simula at sa katapusan nito ).

Ayon kay Umar bin Abu Salamah (RA), sinabi sa akin ng Sugo ni Allah (SAS) na: Sabihin mo ang ‘BISMILLAH’ (bago kumain), kumain ka sa pamamagitan ng iyong kanang kamay, at kainin mo ang (pagkaing) malapit sa iyo.

Ayon kay Abdullah bin Umar (RA), sinabi ng Sugo ni Allah (SAS) na: Wala sa inyong kakain ni iinom sa pamamagitan ng kaliwang kamay sapagkat ang demonyo ay kumakain at umiinom sa pamamagitan ng kanyang kaliwang kamay.

Ayon kay Abu Hurayrah (RA): Walang pinintasang pagkain ang Sugo ni Allah (SAS). Kung maiibigan niya ang pagkain ay kakainin niya at kung hindi niya maibigan ay iiwan niya ito.

Ang mga Aral

1. Itinatagubilin ang pagbigkas ng ‘BISMILLAH’ kapag kakain at kung makalimutan mang sabihin ito at naalaala lamang habang kumakain na, sabihin ang “Bismillahi fee awwalihi wa akhirihi.”
2. Ipinagbabawal ang pagkain sa pamamagitan ng kaliwang kamay sapagkat ito ay katulad ng ginagawa ng demonyo. Ipinahihintulot lamang ang pagkain sa pamamagitan ng kaliwang kamay kung may makatuwirang dahilan.
3. Bilang pagsunod sa Propeta (SAS), hindi dapat pintasan ang pagkain, Sa halip, kung gusto ay kainin at kung ayaw ay huwag kainin. Gayunman, ipinahihintulot ang pagbanggit ng kapintasan ng pagkain kung ang layunin ay ang pagbibigay-alam.

Ang Katapatan Sa Pananalita At Ang Kasinungalingan

Ang sabi ni Allah: Ang mga hindi lamang sumasampalataya sa mga kapahayagan ni Allah ang gumagawa-gawa ng kasinungalingan at ang mga iyon ang mga sinungaling. (16 : 105 )

O mga sumasampalataya, matakot kayo kay Allah , at maging kabilang sa mga tapat sa salita. ( 9 :119 )

At kung naging tapat lamang sila kay Allah, ito sana ay mabuti para sa kanila. (47:21)

Ayon kay Hassan bin Ali (RA), sinabi ng Propeta (SAS) na: Iwan mo ang nakapag-aalinlangan sa iyo, sapagkat ang katapatan sa salita ay kapanatagan at ang kasinungalingan ay pag-aalinlangan.


Ayon kay Abdullah bin Mas’ood (RA), sinabi ng Propeta (SAS) na: Tunay na ang katapatan ay nagiging daan sa kabutihan at ang kabutihan ay nagiging daan sa paraiso. Ang isang tao ay magpapatuloy sa pagsasabi ng totoo at magsisikap na maging tapat hanggang sa siya ay maituring sa paningin ni Allah na isang tapat sa salita. Tunay na ang pagsisinungaling ay nagiging daan sa kabuktutan at ang kabuktutan ay nagiging daan sa impiyerno. Ang isang tao ay magpapatuloy sa pagsisinungaling at magsisikap na magsinungaling hanggang sa siya ay maituring sa paningin ni Allah na isang ubod ng sinungaling.

Ayon kay Abdullah bin Umar (RA), sinabi ng Propeta (SAS) na: May apat na katangiang kapag tinaglay ng isang tao, siya ay magiging isang ganap na mapagkunwari ( Ipokrito ). At kung sinuman ang nagtataglay ng isa sa apat na katangiang ito, siya ay nagtataglay ng isang katangian ng kaipokrituhan hanggang hindi na niya maiwan ang katangiang ito. (ang mga ito ay ang mga sumusunod):

1. Kapag siya ay pinagkatiwalaan, sinisira niya ang pagtitiwala;
2. Kapag siya ay nagsasalita, siya ay nagsisinungaling
3. Kapag siya ay nangangako, hindi siya tumutupad;
4. Kapag siya ay nakikipagtalo, nagiging marahas siya sa pagsasalita.

Ang mga Aral

1. Binabalaan ang sinuman laban sa pagsisinungaling sapagkat ito ay isa sa mga katangian ng mga ipokrito at matindi ang parusa na nakalaan sa nagkakalat ng kasinungalingan sa mga tao.
2. Ang pagsisinungaling ay nauuwi sa kasamaan at ito ay isa rin sa mga dahilan ng pagpasok sa impiyerno.
3. Tinalakay rin dito ang kagalingan ng katapatan sa salita kaya hinihimok ang bawat isa na maging tapat sa lahat ng bagay.
4. Ang pagsisinungaling ay isa sa mga tanda ng kaipokrituhan.

Ang Karapatan Ng Kapit-bahay

Ang sabi ni Allah: At sambahin ninyo si Allah at huwag kayong magtambal sa Kanya ng anuman. Maging mabuti (kayo) sa mga magulang , mga kamag-anakan, mga ulila, mga nagdarahop, mga kapitbahay na kamag-anak, mga kapitbahay na di-kaanu-ano, mga kasamahan (sa paglalakbay o gawain), manlalakbay ( na inyong nakatagpo ) ……. ( 4 : 36 )

Ayon kay abu Hurayrah (RA), ang Propeta (SAS) ay nagsabing: “Isinusumpa ko kay Allah, siya ay hindi nananampalataya, Isinusumpa ko kay Allah, siya ay hindi nananampalataya, Isinusumpa ko kay Allah, siya ay hindi nananampalataya ! Kaya may nagtanong sa kanya: “ sino po?” Ang sabi niya (SAS): “Ang taong hindi ligtas ang kanyang kapit-bahay sa kanyang pamiminsala.”


Ayon kay Abu Hurayrah (RA0, sinabi ng Propeta (SAS) na: Ang sinumang naniniwala kay Allah at sa kabilang-buhay ay huwag niyang pinsalain ang kanyang kapit-bahay. Ang sinumang naniniwala kay Allah at sa kabilang-buhay ay dapat na maging magiliw sa kanyang panauhin. At ang sinumang naniniwala kay Allah at sa kabilang buhay ay dapat na magsalita ng mabuti o manahimik na lamang.”

Ang mga Aral

1. Hinihimok at binibigyang diin sa Islam ang paggawa ng mabuti sa mga kapit-bahay at ang hindi paggawa ng kapinsalaan sa kanila.
2. Ang isang tanda ng kaganapan ng pananampalataya ng isang Muslim ay ang paggawa niya ng mabuti sa kanyang kapit-bahay at pag-iwas niyang ito ay magawan ng kapinsalaan kahit ito ay isang di-Muslim.

Ang Wastong Paraan Ng Pag-aatas Sa Kabutihan At Pagbabawal Sa Masama

Ang sabi ni Allah: Mag-aanyaya ka sa landas ng iyong Panginoon (Islam) sa pamamagitan ng wastong kaalaman at magandang pangangaral at makipagtalakayan ka sa kanila sa paraang pinakamaganda. (16 :125 )

At dahil sa habag buhat kay Allah, naging banayad ang iyong pakikitungo sa kanila, at kung nagkataon na ikaw ay naging mabagsik at matigas ang puso, magsisilayo sila sa iyong paligid. ( 3 :159 )

Ayon kay A’ishah (RA), sinabi ng Sugo ni Allah (SAS) na: Tunay na si Allah ay mabait at ibig Niya ang kabaitan sa lahat ng bagay.

Ayon pa rin kay A’ishah (RA), sinabi ng Propeta (SAS) na: Ang anumang bagay ay gumaganda kapag sinamahan ng kabaitan at ito ay pumapangit kapag inalisan ng kabaitan.

Ayon kay Jareer bin Abdullah(RA), sinabi ng Sugo (SAS) na: Ang sinumang napagkaitan ng kabaitan ay napagkaitan ng lahat ng kabutihan.


Ang mga Aral

1. Ang isang Muslin ay hinihimok na maging mabait at gamitin ang dunong sa pag-aanyaya sa Islam at sa pag-aatas sa mabuti at pagbabawal sa masama.
2. Ang paggamit ng kabagsikan sa mga tao ay maaaring maging dahilan ng hindi nila pagtanggap sa katotohanan.

Ang Kahinahunan At Kabaitan

Ang sabi ni Allah: At dahil sa habag mula kay Allah, naging banayad ang iyong pakikitungo sa kanila.At kung nagkataong ikaw ay mabagsik at matigas ang puso, magsisilayo sila sa iyong paligid. ( 3:159 )

Ayon kay A’ishah (RA), sinabi ng Sugo ni Allah (SAS) na : Tunay na si Allah ay mabait at ibig Niya ang kabaitan sa lahat ng bagay.

Ayon kay Ibnu Abbas (RA),ang Sugo ni Allah (SAS) ay nagsabi kay Abul Qays Ashajj (RA) na: Ikaw ay nagtataglay ng dalawang katangiang gusto ni Allah: ang pagtitimpi at ang kahinahunan.

Ayon kay A’ishah (RA), sinabi ng Propeta (SAS) na: Ang anumang bagay ay gumaganda kapag sinamahan ng kabaitan at ito ay pumapangit kapag inalisan ng kabaitan.

Ayon kay Jareer bin Abdullah (RA), sinabi ng Sugo (SAS) na: Ang sinumang napagkaitan ng kabaitan ay napagkaitan ng lahat ng kabutihan.

Ang mga Aral

1. Ibig ni Allah ang kabaitan at ito ang dahilan ng paglapit ng mabuting bagay.
2. Ang kabaitan at kaluwagan sa pakikitungo sa kapuwa ay ilan sa mga katangian ng mga taong karapat-dapat sa paraiso.
3. Mahalaga ang kahinahunan at iwasan ang galit

Ang Kagandahang-Asal

Ang sabi ni Allah: “At tunay na ikaw (Muhammad) ay nasa mataas na antas ng kaasalan.” (68 : 4 )

At dahil sa habag mula kay Allah , naging banayad ang iyong pakikitungo sa kanila. At kung nagkataong ikaw ay mabagsik at matigas ang puso, magsisilayo sila sa iyong paligid. ( 3 : 159 )

Ayon kay Abu Darda (RA), sinabi ng Propeta (SAS) na: Wala nang bagay na higit pang mabigat sa timbangan ng mananampalatayang lingkod ni Allah sa Araw ng paghuhukom kaysa sa kagandahang –Asal. Kinasusuklamaman ni Allah ang nagsasalita ng mahalay at masama.

Ayon sa sinabi ni Abu Hurayrah (RA): Tinanong ko ang Sugo ni Allah (SAS) kung ano ang pinakamaraming sanhi ng pagpasok ng mga tao sa Paraiso. At ang sabi niya (SAS), ‘ Ang Takot kay Allah at kagandahang-asal.’

Ayon kay Abu Hurayrah (RA), sinabi ng Sugo ni Allah (SAS) na; Ang may pinakaganap na pananampalataya na kabilang sa mga mananampalataya ay ang may pinakamagandang-asal sa kanila. At ang pinakamabuti sa inyo ay ang pinakamabuti sa kanilang mga may-bahay.

Ayon kay A’ishah (RA), narinig niya ang Sugo ni Allah (SAS) na nagsabing: Maaabot ng mananampalataya sa pamamagitan ng kanyang mabuting asal ang antas ng tao na laging nagdarasal ( ng mga pagdarasal na di-sapilitan ) at laging nag-aayuno ( ng mga pag-aayunong hindi sapilitan ).

Ang mga Aral

1. Inilalahad dito ang kagandahang-asal ng Sugo (SAS).
2. Ang kagandahang-asal ay mahalaga.At ito rin ang isa sa mga dahilan ng pagpasok ng tao sa paraiso at kung bakit itinataas ang kanyang antas. Ang lahat ng mga gawa ay titimbangin sa Araw ng paghuhukom at ang pinakamabigat sa timbangan ng isang Muslim ay ang kanyang pagkatakot kay Allah at ang kanyang kagandahang-asal.
3. Hinihimok ng Islam ang Muslim na maging mabuti sa salita at sa gawa at nagbibigay-babala ito laban sa masagwang salita at gawa.
4. Mahalaga ang mabuting pagsasama ng mag-asawa.
5. Ang pananampalataya (Iman) ay nadadagdagan sa pagsunod kay Allah at nababawasan sa paglabag sa Kanya.

Ang Pagbati

Ang sabi ni Allah: O mga sumasampalataya, huwag kayong pumasok sa mga bahay na hindi ninyo pag-aari hanggang hindi kayo humihingi ng pahintulot at bumabati sa nakatira roon. (24 :27 )

Ayon kay Abu Hurayrah (RA), sinabi ng Sugo ni Allah (SAS) na : Hindi kayo makapapasok sa paraiso hanggang hindi kayo nananampalataya at hindi kayo nananampalataya hanggang hindi kayo nagmamahalan. Hindi ba’t nais ninyong patnubayan ko kayo sa isang bagay na kapag inyong ginawa ay mamahalin ninyo ang isa’t-isa? Ipalaganap ninyo ang pagbati (ng AS-Salaamu Alaykum ) sa bawat isa sa inyo.

Ayon kay Abdullah bin Salam (RA), nirinig niya ang Sugo ni Allah (SAS) na nagsabing: O mga tao, magbatian kayo ( ng AS-Salaamu Alaykum ), magpakain kayo ( sa inyong kapuwa), patatagin ninyo ang ugnayang pampamilya, at magdasal kayo sa gabi habang ang mga tao ay natutulog at kayo ay mapayapang papasok sa paraiso.

Ayon kay Abu Hurayrah (RA), sinabi ng Sugo ni Allah (SAS) na: Kapag may isa sa inyo na dumating sa pagtitipon, batiin niya (ng As-Salaamu Alaykum) ang mga naroroon. At kung ibig niya na umupo ay umupo siya at kung nais niyang tumayo upang lumisan ay bumati uli siya sapagkat ang unang pagbati ay hindi naman higit na mahalaga kaysa sa huling pagbati.

Ang mga Aral

1. Ang pagbati ay mahalaga sapagkat ito ay isang dahilan ng pagmamahalan na siya namang dahilan ng pagpasok sa paraiso.
2. Mabuting batiin (ng As-Salaamu alaykum ) ang kapuwa Muslim, kilala man siya o hindi sapagkat ang pagbati ay hindi lamang para sa kakilala.
3. Ang paraan ng pagbati ayon sa Propeta (SAS) ay “ As-Salaamu Alaykum” (Ang kapayapaan ay sumainyo). Kung dadagdagan man ang pagbating ito ng “Wa rahmatullah” (at ang habag ni Allah) ay higit na mainan. At kung ang idadagdag naman ay “ wa Rahmatullahi wa Barakatuh” (At ang habag ni Allah at ang kanyang biyaya), ay siyang pinakamainan. Ang pagbati ay kailangan gantihan ng katulad ng ibinati ngunit higit na mabuti kung dadagdagan pa ng karagdagang mga salita ng pagbati.
4. Huwag batiin ng AS-Salaamu alaykum ang mga hindi mananampalataya ngunit kapag sila ang naunang bumati sa atin, ang ating itutugon ay “ Wa Alaykum” (At sumainyo ).
5. Kung sa isang pagtitipon ay magkahalo ang mga Muslim at ang mga Hindi Muslim, maaari rin silang batiin, ngunit ang nilalayon ng pagbating iyon ay dapat ang mga Muslim.
6. Itinatagubiling magbatian ang mga Muslim kapag naghihiwalay at muling nagkita, kahit sabihin pang nagkahiwalay lamang sa loob ng maikling sandali.
7. Ipinagbabawalal ang pagpasok sa mga pamamahay ng iba nang walang pahintulot mula sa mga nakatira rito.

Thursday, December 10, 2009

Ang Karunungan

Ang sabi ni Allah: “ Sabihin mo, ‘Magkapantay ba ang mga nakaaalam at ang mga hindi nakaaalam?’ ( 39 : 3 )

Itinaas ni Allah ang mga antas ng mga sumasampalataya sa inyo at ang mga pinagkalooban ng karunungan. (58 :11)

At sabihin mo, ‘ Panginoon ko, dagdagan Mo po ang aking karunungan.’ (20:114)

Ang natatakot lamang kay Allah, sa Kanyang mga lingkod, ay ang mga may karunungan. (35 :27)

Ayon kay Mu’awiyah (RA), sinabi ng Sugo ni Allah (SAS)na: Kapag ninais ni Allah ang kabutihan sa isang tao, bibigyan niya ito ng karunungan sa Relihiyon .

Ayon kay Anas (RA), sinabi ng Propeta (SAS) na: Ang sinumang magturo ng isang karunungan, kakamtin niya ang katulad ng gantimpala ng taong gumawa ayon sa kanyang itinuro ngunit walang mababawas sa gantimpala ng taong iyon.

Ayon kay Abu Hurayrah (RA), sinabi ng Sugo ni Allah (SAS) na: Kapag namatay ang anak ni Adam (tao), humihinto ang kanyang gawa maliban sa tatlo, kawanggawa na tuloy-tuloy (na kanyang naiwan), o karunungang napapakinabangan (na kanyang naiwan), o mabuting anak na nananalangin para sa kanya.

Ayon kay Sahl bin Sa’d (RA), sinabi ng Sugo ni Allah (SAS) na: Isinusumpa ko kay Allah, ang mapatnubayan ni Allah ang isang tao sa pamamagitan mo ay higit na mainam kaysa sa pinakamahal na ari-ariang (maaaring ariin ng isang tao.)

Ayon kay Abdullah bin Amr bin Al-Ass (RA), sinabi ng Sugo ni Allah (SAS) na: Iparating ninyo ang tungkol sa akin, kahit na isang talata lamang ng Qur’an.

Ang mga Aral

1. Inilalahad sa mga talata ng Qur’an at mga Hadeeth na nabanggit ang kahalagahan ng karunungan at ng mga may karunungan. Na kapag ninais ni Allah ang kabutihan sa isang tao, bibigyan Niya ito ng karunungan sa Relihiyon. Na ang paghahanap ng karunungan ay isa sa mga dahilan ng pagpasok sa paraiso.
2. Malaki ang gantimpala sa pagtuturo sa mga tao, pagpatnubay sa kanila sa kabutihan, at pagpaparating sa kanila ng karunungan kahit kaunti lamang.
3. Na ang paghahanap ng karunungan ay higit na mainam kaysa sa mga pagsambang hindi sapilitan.
4. Maging masigasig na palakihin ang mga bata ayon sa Islam.

Ang Pagiging Mabuti Sa Mga Magulang

Ang sabi ni Allah: At itinagubilin namin sa tao na maging mabuti sa kanyang mga magulang… (29 :8 )

At iniatas ng iyong Panginoon na wala kayong sasambahin kundi Siya lamang at (inatasan Niya rin kayo ) na maging mabait sa mga magulang. Kung ang isa sa kanila o kapuwa sila ay dinatnan ng katandaan sa iyong piling huwag mo siyang pagsalitaan ng lapastangang pananalita at huwag mo silang bulwayan sa halip ay kausapin mo sila sa pamamagitan ng mapitagang pangungusap. (17 :23 )

At itinagubilin namin sa inyo na (maging masunurin at mabuti ) sa mga magulang. Ang kanyang ina ang nagdala sa kanya ( sa sinapupunan nito) na nanghina ng nanghina (noong siya’y ipinagbubuntis) at ang pag-awat sa pagpapasuso sa kanya ay tumagal ng dalawang taon. (Kaya) magpasalamat ka sa Akin (Allah) at sa iyong mga magulang… ( 31 : 14 )

Ayon kay Abdullah bin Mas’ood (RA): Tinanong ko ang Propeta (SAS): “Ano pong gawain ang pinakamainam?” Ang sabi niya: “Ang pagsasagawa ng Salah sa takdang sandali nito.” Ang sabi ko: “Ano pa po?” Ang sabi niya: “Ang paggawa ng mabuti sa mga magulang.” Ang sabi ko muli: “ Ano pa po?”Ang sabi niya: “Ang pakikipaglaban (Jihad) alang-alang kay Allah.”

Ayon kay Abu Hurayrah (RA): May isang lalaking dumating at nagsabi sa Sugo ni Allah na: “ o Sugo ni Allah’ sino po sa mga tao ang higit na karapat-dapat sa aking magandang pakikisama? Ang sabi niya (SAS): “Ang iyong ina.” Ang sabi muli ng lalaki: “Sino pa po?”Ang sabi niya (SAS): “ Ang iyong ina.” Ang sabi muli ng lalaki: “Sino pa po?”Ang sabi niya (SAS): “ Ang iyong ina.” Ang sabi muli ng lalaki: “Sino pa po?”Ang sabi niya (SAS): “ Ang iyong ama.”

Ang mga Aral

1. Malaki ang paggalang ng Islam sa mga magulang at ipinag-uutos nito sa isang Muslim na sundin ang kanyang mga magulang at hinihimok din siya na maging mabuti sa kanila.
2. Ang pinakaibig ni Allah sa lahat ng mga gawain matapos ang Salah na isinagawa sa takdang sandali nito ay ang paggawa ng mabuti sa mga magulang.
3. Ang isang Muslim ay binibigyan ng isang mariing babala na huwag maging suwail sa mga magulang, huwag maging magaspang sa pakikipag-usap sa kanila, at huwag silang pagmaktulan.
4. Ttinalakay rin dito na sa pagiging mabuti at masunurin sa mga magulang ang ina ay una kaysa sa ama.

Ang Pag-aatas Sa Mabuti At Ang Pagbabawal Sa Masama

Ang sabi ni Allah: “ Kayo (mga mananampalataya) ang pinakamainam na bansang pinalitaw sa sangkatauhan. Iniaatas ninyo ang mabuti at ipinagbabawal ninyo ang masama at sumasampalataya kayo kay Allah.” ( 3 :110 )

“Dapat magkaroon mula sa inyo ng pangkat ng mga tao na mag-aanyaya sa kagalingan at mag-aatas sa mabuti at magbabawal sa masama. At ang mga iyon ang mga matatagumpay.” (3 : 104 )

Ayon kay Abu Sa’eed Al-Khudree (RA), narinig niya ang Sugo ng Allah na nagsabing: Sinuman sa inyo ang makakita ng masama, baguhin niya iyon sa pamamagitan ng kanyang kamay. Ngunit kung hindi niya magagawa, (baguhin niya) sa pamamagitan ng kanyang dila. (Ang ibig sabihin ay pagsabihan niya ang gumagawa ng masama). Ngunit kung hindi pa rin niya magagawa, isapuso na lamang niya na iyon ay masama, at iyan ang pinakamahinang pananampalataya.



Ayon kay Hudhayfah (RA), sinabi ng Propeta (SAS) na: Nanununumpa ako kay Allah na may hawak ng aking kaluluwa, dapat ninyong iatas ang mabuti at ipagbawal ang masama at kung hindi, di-maglalaon ay padadalhan kayo ni Allah ng parusang buhat sa kanya at kung kayo man ay manananalangin, hindi kayo diringgin.

Ayon kay Abu Bakr As-Siddeq (RA), narinig niya ang Sugo ni Allah (SAS) na nagsabing: Tunay na kapag hindi pinigilan ng mga tao ang sinuman na nakita nila na gumagawa ng masama, silang lahat ay halos sama-samang parurusahan ni Allah.

Ang mga Aral

1. Ang pag-aatas sa mabuti at ang pagbabawal sa masama ay isang dahilan ng tagumpay.
2. Tungkulin ng sinumang makakita ng masama na iyon ay kanyang baguhin ayon sa kanyang kakayahan.
3. Ang pagtakwil sa masama sa pamamagitan ng kamay (lakas ) ay tungkulin ng sinumang nagtataglay ng kapangyarihan tulad ng ama sa kanyang tahanan o ng isang pinuno ng sinumang pumapangalawa sa kanila.
4. Sa pagtatakwil sa masama sa pamamagitan ng puso, kailangang kasuklaman at layuan ang masama.
5. Ang pagtalikod sa pag-aatas sa mabuti at pagbabawal sa masama ay isang dahilan kung bakit nahahadlangang matugon ang panalangin at ito ay isa ring dahilan kung bakit nagpapadala si Allah ng parusa

Ang Panalangin

Ang sabi ni Allah: “At ang sabi ng iyong Panginoon, ‘ Manalangin kayo sa akin, diringgin Ko kayo.’ ( 40 : 60 )

At kapag tatanungin ka ng Aking mga lingkod hinggil sa Akin (ay sabihin mo sa kanila), ‘ Ako’y malapit. Dinidinig Ko ang panalangin ng nananalangin kapag siya ay nanalangin sa Akin.’ ( 2 : 186 )

Manalangin kayo sa inyong Panginoon nang taimtim at palihim. Hindi Niya minamahal ang mapagmalabis ( sa panalangin ). ( 7 : 55 )

Ayon kay Nu’amn bin Basheer (RA), sinabi ng Sugo na: Ang tao ay nagiging napakalapit sa kanyang Panginoon habang siya ay nakapatirapa. Kaya damihan ninyo ang panalangin habang nakapatirapa.

Ayon kay A’isha(RA): Ang gustong panalangin ng Sugo ni Allah (SAS) ay ang maikli at makahulugan at ang maliban pa rito ay hindi niya ginagawa.

Ayon kay Ubadah bin AS-Samit (RA), sinabi ng Sugo ni Allah (SAS) na: Walang lingkod na Muslim na nananalangin ng isang panalangin na hindi ibinibigay ni Allah sa kanya ang kanyang hinihingi, o inilalaan ni Allah ukol sa kanya para sa kabilang buhay ang higit na mainam kaysa sa kanyang ipinapanalangin, o ilalayo Nito sa kanya ang isang masamang bagay na katumbas ng idinadalangin niya, hangga’t hindi siya nananalangin ng masama o ng ikasisira ng ugnayang pampamilya.

Ayon pa rin sa kanya, sinabi ng Sugo ni Allah (SAS): Ang panalangin ng isang Muslim para sa kanyang kapatid (sa pananampalataya), habang ito ay wala, ay dinidinig. Sa tabi ng kanyang ulo ay may isang anghel na nakatalaga (upang magsabi ng Amen). Sa tuwing manananalangin siya ng mabuti para sa kanyang kapatid, ang sinasabi ng nakatalagang anghel ay: ‘Amen. At sumainyo ang katulad ng ipinanalangin mo.’

Ang mga Aral

1. Ang panalangin ay pagsambang hindi maaaring ibaling sa iba maliban kay Allah. Ang sinumang magbaling ng panalangin sa iba maliban sa Allah ay nagtambal kay Allah. Dapat mabatid na ang panalangin ay may dakilang kalagayan dahil itinuturing ito ng Sugo (SAS) na pagsamba o pinakadakilang uri ng pagsamba.
2. Higit na mainam na hinaan ang tinig sa pananalangin. Mainam ding manalangin sa pamamagitan ng mga pangungusap na malaman--- ang panalanging gumagamit ng kaunting salita ngunit puno ng kahulugan.
3. Ang tao ay pinaaalalahanang huwag manalangin laban sa kanyang sarili, pag-aari o anak.
4. Mainam ang manalangin para sa mga kapatid na Muslim habang sila ay wala.
5. Kapag nananalangin ang isang tao, hindi nangangahulugang matutupad kaagad ang kanyang hinihiling. Maaaring ilayo sa kanya ang isang masamang bagay na katulad ng idinadalangin niya upang ilayo sa kanya o ang katuparan ng kanyang panalangin ay ilalaan sa kanya sa kabilang-buhay at saka ibibigay sa araw na iyon na higit niyang kailangan.
6. Ang pagkain o paggamit ng mga bagay na nabili ng salaping galing sa ipinagbabawal (gaya ng sugal, nakaw, at iba pa) ay ilan sa mga nagsisilbing sagabal upang matugon ang panalangin

Ang Pagtitiis

Ang sabi ni Allah: O mga sumasampalataya, magtiis kayo at higitan ninyo sa pagtitiis (ang inyong mga kaaway)……… ( 3 : 200 )

At tiyak na susubukin Namin kayo ng pagsubok na tulad ng pangamba at gutom, pagkawala ng mga ari-arian, mga buhay (ng minamahal), at mga bunga (ng mga pananim); kaya iparating mo ang magandang balita sa mga matiisin. ( 2 :155 )



Ayon kay Abu Suhayb bin sinan (RA), sinabi ng Sugo ni Allah na: Nakatutuwa ang kalagayan ng mga mananampalataya. Ang lahat ng nangyayari ay mabuti para sa kanya. Ang katangiang ito ay hindi tinataglay ng sinuman maliban sa mananampalataya. Kung datnan siya ng kalugod-lugod na bagay, siya ay nagpapasalamat (kay Allah) at iyon ay mabuti para sa kanya; at kung datnan siya ng kasawiang-palad, siya ay nagtitiis at iyon ay mabuti para sa kanya.

Ayon kay Anas (RA), sinabi ng Sugo ni Allah (SAS): Si Allah, ang makapangyarihan at maluwalhati, ay nagsabing: “Kapag sinubok Ko ang Aking lingkod sa pamamagitan ng pagbulag sa kanyang dalawang mata at siya naman ay nagtiis, ang ipapalit ko sa mga mata ay paraiso.’

Ayon kay Abu Hurayrah (RA), sinabi ng Sugo ni Allah (SAS) na: Ang pagod, sakit, pagkabagabag, kalungkutan, kapinsalaan, lumbay na dumarating sa isang Muslim, pati na ang tinik na nakatinik sa kanya ay ginagamit ni Allah na pang-alis sa kanyang mga pagkakasala.

Ayon pa rin kay Abu Hurayrah (RA), sinabi ng Sugo ni Allah (SAS) na: Ang pagsubok sa lalaki at babaeng mananampalataya – sa kanyang sarili, sa kanyang anak, at pag-aari – ay hindi titigil hanggang hindi nakakatagpo si Allah na wala na siyang pagkakamali.

Ang mga Aral

1. Ang isang Muslim ay hinihimok na magtiis sa lahat ng mga mangyayari at mag-ingat na huwag maghihinakit sapagkat ito ang dahilan ng pagkawala ng gantimpala sa pagsubok.
2. Ang pagkakasala ng isang Muslim ay inaalis ng mga pagsubok na dumarating sa kanya.
3. Ang nagtiis upang masunod si Allah at ang nagtiis upang maiwasan ang mga pagsuway sa Kanya ay ang pinakamainam na uri ng pagtitiis.
4. Dapat na masiyahan ang isang Muslim sa kapalarang ibinabahagi sa kanya ni Allah yamang si Allah ay maalam at marunong at Siya ang higit na nakababatid sa ikabubuti ng kanyang lingkod.

Ang Pagbahin At Ang Paghikab

Ayon kay Abu Hurayrah (RA), sinabi ng Propeta (SAS) na: Gusto ni Allah ang pagbahin at ayaw Niya nang paghihikab. Kaya kapag bumahin ang sinuman sa inyo at nagsabi ng “ ALHAMDULILLAH” (Purihin si Allah ), tungkulin ng bawat Muslim na nakarinig sa kanya na sabihin ang “YARHAMUKALLAH’, Ang paghihikab naman ay galing sa demonyo. Kaya kapag naghikab ang sinuman sa inyo, kailangang pigilin niya iyon sa abot ng kanyang makakaya. Sapagkat kapag naghihikab ang sinuman sa inyo, pinagtatawanan siya ng demonyo.

Ayon pa rin kay Abu Hurayrah (RA), sinabi ng Sugo ni Allah (SAS) na : Kapag bumahin ang sinuman sa inyo, sabihin niya Ang “ ALHAMDULILLAH” at ang kapatid naman niya (sa pananampalataya) o kasama ay kailangang magsabi ng “YARHAMUKALLAH.” Pagkatapos naman niyang magsabi ng Yarhamukallah ay sasabihin naman ng bumahin na “ YAHDEEKUMULLAH WA YUSLIH BAALAKUM” ( Patnubayan kayo ni Allah at nawa’y gawin Niyang mabuti ang inyong kalagayan).

Ayon kay Abu Moosa (RA): Narinig ko ang Sugo ni Allah(SAS) na nagsabing: “Kapag bumahin ang sinuman sa inyo at nagsabing “ALHAMDULILLAH”, magsabi kayo ng “YARHAMUKALLAH” sa kanya. At kung hindi siya nagsabi ng Alhamdulillah, huwag din kayong magsabi ng Yarhamukallah.

Ayon kay Abu Hurayrah (RA): Kapag bumabahin ang Propeta (SAS), tinatakpan niya ng kanyang kanyang kamay o kanyang damit ang kanyang mukha at hinihinaan niya ang tunog (ng bahin).

Ang mga Aral

1. Kapag nakarinig ng bahin ang sinuman, magsabi siya ng “Yarhamukallah” sa bumahin kung ito ay nagsabi ng ‘Alhamdulillah” matapos bumahin.
2. Kapag hindi siya nagsabi ng “Alhamdulillah”, huwag din siyang sabihan ng “Yarhamukallah”.
3. Makabubuting pigilan o itago ang paghihikab.
4. Makabubuting takpan ng kamay ang bibig kapag naghihikab.
5. Makabubuting takpan ang mukha ng damit o kamay o panyo kapag naghihikab
6. Masagwang lakasan ang tunog kapag bumabahin o naghihikab.

Wednesday, December 9, 2009

Ang Pagbabalik-loob Kay Allah

Ang sabi ni Allah: Magbalik –loob kayong lahat , o mga sumasampalataya, upang sa gayo’y magtagumpay kayo. (24 :31 )

O mga sumasampalataya, magbalik-loob kay Allah nang may katapatan at pagsisisi. (66 : 8 )

Ayon kay Al-Gharr binYasar ( RA ), sinabi ng Sugo (SAS) na: O mga tao, magbalik-loob kayo kay Allah at humingi kayo ng patawad sa Kanya sapagkat ako nga ay nagbabalik-ploob sa Kanya isang-daang beses isang araw.

Ayon kay Anas (RA), sinabi ng Sugo ni Allah (SAS) na: Si Allah ay higit na nalulugod sa pagbabalik-loob sa Kanya ng Kanyang lingkod kaysa sa sinuman sa inyo na natagpuan ang kanyang kamelyo (na may dala ng kanyang pagkain at inumin ) matapos itong mawala sa walang kabuhay-buhay na disyerto.

Ayon kay Anas (RA), sinabi ng Sugo ni Allah (SAS) na: Ang lahat ng mga anak ni Adam ay nagkakamali at ang pinakamainan sa mga nagkakamali ay ang mga nagbabalik-loob.

Ayon kay Abdullah bin Umar bin Al-Khattab (RA), sinabi ng Propeta (SAS) na: Tunay na si Allah, ang makapangyarihan at maluwalhati, ay tumatanggap ng pagsisi ng Kanyang lingkod hangga’t hindi ito naghihingalo.

Ayon kay Abu Moosa Al-Ash’aree (RA), sinabi ng Propeta (SAS) na: Iniaabot ni Allah ang Kanyang kamay sa gabi upang makapagsisi ang nakagawa ng masama sa araw at iniaabot Niya ang Kanyang kamay sa araw upang makapagsisi ang nakagawa ng masama sa gabi. Ginagawa Niya ito hangga’t hindi pa sumisikat ang araw sa kanluran ( na siyang tanda ng wakas ng mundo).

Ang mga Aral

1. Kailangang magbalik-loob kay Allah sa lahat ng oras maging ano pa man ang kasalanan at maging gaano man ito kalaki. Ang pagbabalik-loob ay isa sa mga dahilan na ikapagtatagumpay at ikaliligtas ng isang tao.
2. Ang pagbabalik-loob kay Allah ay lubhang napakahalaga. Ang habag at kabutihan ni Allah ay napakalawak anupa’t Siya ay nagagalak sa pagbabalik-loob ng isang tao sa Kanya.
3. Ang pagkakamali ay isa sa mga kalikasan ng tao. Gayunman, kailangan pa rin niyang pagsisihan at ihingi ng kapatawaran ang kanyang mga kasalanan.

Ang Kundisyon sa Pagbabalik-loob

A. Na kailangang ang pagbabalik-loob ay bago maghingalo ang isang tao.

B. Na ito ay kailangang bago sumikat ang araw sa kanluran dahil kapag nagkagayon ay wala nang saysay ang pagbabalik-loob.
K. Na ang sinumang magsisi ng tapat sa kasalanan at saka magbalik sa dating kasalanan, ang una niyang pagsisi ay tanggap pa rin subalit kailangan niya ang panibagong pagsisi pa sa binalikang kasalanan.

D. Na kailangan talikuran ang kasalanan, pagsisihan ang mga nagawang pagsuway kay Allah, at maging desididong hindi magbabalik sa kasalanan.

Ang Pagbabawal Sa Panlilibak

Ang sabi ni Allah: At huwag kayong maglibakan. Mayroon bang isa sa inyo na magnanais na kainin ang laman ng patay niyang kapatid? Tiyak na kasusuklaman ninyo ito. ( 49 :12 )

Ayon kay Abu Hurayrah (RA), sinabi ng Sugo ni Allah (SAS) na: ‘ Alam ba ninyo kung ano ang panlilibak?’ Ang sabi nila, ‘ Si Allah at ang Kanyang Sugo ang higit na nakaaalam.’ Ang sabi niya (SAS), ‘Ito ay ang pagsasalita ninyo tungkol sa inyong kapatid (sa pananampalataya) ng bagay na kasusuklaman niya.’ ‘Ano naman po sa palagay ninyo kung ang kapatid (sa pananampalataya ) kung iyon ay katulad ng aking sinasabi?,’ tanong ng isa sa kanila. ‘Kung siya nga ay tulad ng sinasabi mo, nilibak mo na siya. At kung hindi siya katulad ng sinasabi mo, nanirang-puri ka sa kanya.’

Ang sabi ni A’isha (RA): Nagsabi ako sa Propeta (SAS) na, ‘ Sapat nang malaman mo na si Safeeyah ay ganito at ganoon (ang ibig niyang sabihin ay pandak si Safeeyah).’ ‘ Ang sinabi mo ay isang katagang kung ihahalo sa tubig ng dagat ay magiging marumi ang dagat’, sabi niya (SAS).

Ayon kay Abu Hurayrah (RA), sinabi ng Proepta (SAS) na: Ang Pag-aari ng isang Muslim ay ipinagbabawal na lapastanganin ng kapuwa niya Muslim – ang kanyang buhay, ang kanyang karangalan, at ang kanyang ari-arian.

Ayon kay Abu Darda’ (RA), sinabi ng Propeta (SAS) na: Ang nangangalaga ng karangalan ng kanyang kapatid, sa araw ng paghuhukom ay ilalayo ni Allah ang apoy sa kanyang mukha.

Ang mga Aral

1. Ang panlilibak ay ipinagbabawal yamang ito ay isa sa mga malalaking kasalanan at matindi ang nakalaaang parusa sa manlilibak.
2. Ang pagsasalita ng tungkol sa isang tao ng bagay na kasusuklaman niya ay itinuturing na isang panlilibak kahit na iyon ay totoo pa.
3. Kailangang pagsabihan at pigilan ang nanlilibak sa kanyang panlilibak. Ang pakikinig sa panlilibak ay ipinagbabawal. At ang nangangalaga sa karangalan ng kapuwa Muslim ay ilalayo ni Allah sa apoy ng impiyerno.
4. Ang panlilibak ay maaaring sa salita o pahiwatig na kinasusuklaman ng isang tao.

Sunday, December 6, 2009

Ang Nifas at ang mga Altuntunin Rito

Ang Nifas ay dugong inilalabas ng matris dahil sa panganganak, na maaaring lumabas habang nanganganak, o matapos manganak, o mga dalawa o tatlong araw bago manganak at may kalakip na pananakit ng tiyan (labor). Ang babae ay Tahir (1) na kapag huminto na ang kanyang pagdurugo. Kapag sumobra pa sa 40 araw ang pagdurugo, maliligo na siya pagkatapos ng ika-40 araw sapagkat ito ang pinakamahabang panahon ng Nifas kahit ang pagdurugo ay patuloy pa rin, maliban kung ang pagdurugo na sumobra sa 40 araw ay regla dahil kapag nagkagayon ay maghihintay siya hanggang sa matapos ang regla at pagkatapos ay maliligo siya.
Maituturing lamang na Nifas ang pagdurugo kung nagluwal ang isang babae ng isang may malinaw na anyong tao. Kaya kung nakunan siya at nagluwal ng maliit na fetus na walang malinaw na anyong tao, ang pagdurugo matapos makunan ay hindi dugo ng Nifas kundi dugong galing sa ugat at ang alituntuning sasaklaw sa kanya ay ang alituntunin sa Istihadah. Ang pinakamaikling panahon na magiging malinaw ang anyong tao ng fetus ay 80 araw mula nang magdalang-tao at ang karaniwang panahon ay 90 araw.
Ang mga alituntunin na sumasasaklaw sa Nifas ay katulad ng sa mga alituntunin na sumasaklaw sa regla na nabanggit na.
(1) Maaari nang makipagtalik at magsagawa ng lahat ng mga gawaing panrelihiyon.

Ang Pampigil ng Regla at ng Pagbubuntis
1. Ang paggamit ng isang babae ng gamot na pampigil ng regla ay ipinahihintulot alinsunod sa dalawang kundisyong ito:
A. Na walang kinatatakutang kapinsalaang maaaring mangyayari sa kanya ngunit kung may kinatatakutang kapinsalaang maaaring mangyari sa paggamit niyon, hindi ito ipinahihintulot;
B. Na iyon may kapahintulutan ng kanyang asawa kung ang paggamit nito ay may makakaapekto sa kanyang asawa.

2. Ang paggamit ng pamparegla ay ipinahihintulot alinsunod sa dalawang kundisyong ito:
A. Ang kapahintulutan ng asawa;
B. Na ang layunin ng paggamit ay hindi upang takasan ang mga tungkuling panrelihiyon gaya halimbawa ng paggamit nito upang takasan ang pag-aayuno sa buwan ng Ramadan, ang pagsasagawa ng Salah at iba pa.

3. Ang paggamit ng pampapigil sa pagbubuntis (contraceptive) ay dalawang uri:
A. Ang anumang permamenteng makapipigil sa pagbubuntis ay hindi ipinahihintulot; (1)
B. Ang anumang pansamantalang makapipigil sa pagbubuntis ay ipinahihintulot. Halimbawa: kung ang isang babae ay madalas magbuntis at ang pagbubuntis ay lubhang nagpapahirap sa kanya kaya ibig niyang limitahan ang kanyang pagbubuntis tuwing ikalawang taon, halimbawa, ito ay ipinahihintulot sa kundisyon na may kapahintulutan ng kanyang asawa at wala itong kapinsalaang maidudulot sa kanya.
(1) Gaya ng gamot o instrumento o operasyon na magbubunga ng permanenteng pagpigil sa pagbubuntis.

Ang Istihadah

Ang Istihaadah ay ang patuloy na pagdurugo na hindi na talaga humihinto o kung humihinto man ay sa loob lamang ng maikling panahon: isa o dalawang araw sa loob ng isang buwan. At ayon sa ibang mga Iskolar ng Islam ang pagdurugong humigit pa sa 15 araw ay Istihadah na maliban na lamang kung ang kanyang regular na period ng pagreregla ay mahigit sa 15 araw.

Ang Tatlong Kalagayan ng Babaeng may Istihadah
1. Na mayroon siyang regular na period ng regla noong bago siya nagkaroon ng Istihadah. Kaya naman siya ay babatay sa dating regular na period ng regla niya, ituturing niyang may regla siya sa panahong ito, masasaklawan siya ng mga alituntunin sa pagreregla, at ang iba pang pagdurugo ay Istihadah na saklaw naman ng mga alituntunin para sa babaeng may Istihadah.
Halimbawa: May isang babae na dinadatnan noon ng regla tuwing ika-28 araw at nagtatagal ng anim na araw ngunit bigla siyang nagkaroon ng Istihadah at ang pagdurugo ay patuloy nang dumarating. Kapag nagkaganito, ang regla niya ay anim na araw na nagsisimula tuwing ika-28 araw at ang pagdurugong iba pa rito ay Istihadah na. Kaya alinsunod dito, ituturing ng babaeng may Istihadah, na dati namang may regular na may regla, na may regla siya na kasingtagal ng dating regla. Pagkatapos nito ay maliligo na siya at saka magsagawa ng Salah at hindi na niya bibigyang pansin ang lumalabas na dugo.
2. Na wala siyang regular na period ng regla noong bago siya nagkaroon ng Istihadah. Ang Istihadah ay tuloy-tuloy na sa kanya mula noong unang makita niya na lumabas ang dugo sa unang pagkakataon. Sa ganitong kalagayan ay magsasagawa siya ng pagkikilatis: ang dugo ng regla ay nakikilala sa kaitiman ng kulay o kalaputan o pagkakaroon ng amoy. Kung mayroong kahit isa man lamang sa tatlong katangiang ito, ang dugo ay ituturing na regla na saklaw ng mga alituntunin sa regla at ang dugo naman na iba pa rito ay Istihadah na saklaw naman ng mga alituntunin sa Istihadah.
Halimbawa: May isang babae na mula noong unang makita niya na lumabas ang dugo sa unang pagkakataon ay nagpatuloy na ito sa kanya subalit may nakikilatis siyang pagkakaiba: (A) napapansin niya na ang dugo sa loob ng sampung araw, halimbawa, ay kulay itim at sa nalalabing mga araw ng buwan ay kulay pula naman, (B) o napapansin niya na ito sa loob ng sampung araw, halimbawa, ay malapot at sa nalalabing mga araw ng buwan ay malabnaw naman, (C) o napapansin niya na ito sa loob nang sampung araw, halimbawa, ay may amoy at sa nalalabing mga araw ng buwan ay walang amoy naman. Sa ganitong kalagayan ang kanyang regla ay ang dugong kulay itim sa unang halimbawa, ang dugong malapot sa ikalawang halimbawa, at ang may amoy sa ikatlong halimbawa; ang anumang iba pa sa mga ito ay Istihadah na.
3. Na wala siyang regular na period ng regla at wala rin siyang angkop na batayan sa pagkikilatis. Ang Istihadah ay tuloy-tuloy na sa kanya mula noong unang makita niya na lumabas ang dugo sa unang pagkakataon at ang dugo ay may isang katangian lamang (hindi nagbabago sa kulay o amoy o lapot) o may mga katangiang nakalilito na hindi maaaring maging katangian ng regla. Sa ganitong situwasyon, siya ay babatay sa period ng regla ng nakararaming babae kaya ang magiging period ng regla niya ay anim o pitong araw sa bawat buwan na nagsisimula sa unang araw ng period na una niyang nakita ang dugo. Ang dugo pagkatapos ng Period ay Istihلdah na.

Ang Mga Alituntunin sa Istihadah
Ang mga alituntuning sumasaklaw sa Istihadah ay katulad ng sa sumasaklaw kapag walang regla. Kaya walang pagkakaiba ang mga babaeng may Istihadah sa ang mga babaeng wala sa sandali ng pagreregla maliban sa mga sumusunod:
1. Kailangang magsagawa ng Wudo' sa bawat Salah ang babaeng nasa sandali ng Istihadah,
2. Kapag nais niyang magsagawa ng Wudo', kailangang hugasan niya muna ang bakas ng dugo sa underwear at maglalagay sa ari ng bulak (o sanitary napkin) na pampigil sa daloy ng dugo

Friday, November 6, 2009

Nin basi e manggula ko?

Aden gay a kadtaman no taw,, aden oras a kadunggo no manosiya,, niyaba so oras a da den makagaga melen lon,, apiya entayn kano mga taw,, kawasa,, miskinan,, dato,,pendatuwan,, mama,, babay,, masla,, manawt,,matuwa,,manguda,, niyaba so gay a kapatay,, amayka makawma den kano taw,, na manalos den,, matebped so ngiyawa,,di den makaginawa so manusiya,,Malmo bon o manden ba,, ka para mambo maawa ta den kano mga lido na ginawa kano niya a kabpaguyag-uyag,,makatelen taden kano niya a mga lugat,,Way pagali ko na di kena ka man san pedtaman,, ka so timpo a kakuwa ni malakalmawt kano ngiyawa nengka na malgen,,mapasang,,masakit,, o di ka ikalimo no Allah,, na tanto den a mapasang,, apiya pan so Pangahulo tano a Nabi Muhammad Alayhissalato wasslam na napasangan,, kano timpo a kapebpaya nin na yanin kadtalo: (( Sabensabenal a aden kano kapatay e lipedengan so taw lon – kalangot - )), pakapangeni so Nabi tano sa ig a makasapo nin kano biyas nin.Panon ka seka nan a pagali ko? So Nabi Mohammad na pinadtaya no Allah den,,na mayto pan igkagedam nin,,inampon o Allah so mga dusa nin,, inikalimo no Allah,, na da sekanin matabiya kano mayto a katamanan,, nin basi o sekitano! A da maampon so mga dusa tano, ya pan mula e madakel e kapendusa tano,,di pedsambayang,, di baginuntulan,, da la so gilek kano Allah.ya den madakel a galbek na so di mapiya kano Agama.Ngin e katamanan basi! Nin e manggula kano namba a timpo,,so kakuwa kano ngiyawa na duwa kambalangan:1. aden taw a malmo e kaliyo no ngiyawa nin kano badan nin,, mana so katuga no ig siya kano kendi a dala sagkot tin.2. aden taw a mapasang e kaliyo no ngiyawa nin kano badan nin,, ka mana egkangabulandot,lawan kano kambing a bibiyag a bagupisan e kasakit nin.nin kalangan ka o seka e upisan?Di kena lubo pedtaman pagali ko,,ka nambo su pekas a egkatamanan,, ka uliyan no kapatay no taw,, na aden pan lebeng ( kobor ), a salakaw den ikatamanan lo,, mapasad na so padangmahshar kano oliyan no kambuwat kano kobor,,maypos na kagkuwenta kano mga galbek,so katitay kano sirat a magalang pan kano pedang,a mabuti pan kano buk,,maypos na so surga ataw ka so naraka,, nin basi e manggula ko? ya Allah!Seka pagali ko e mataw san,, sa nin e manggula nengka,, endaw ka san mangay?, nin e okitan nengka?, so lalan sa surga?, a tawka so lalan sa naraka?.Ya Allah! Bangenin nami salka e tuturo kami kano lalan a matidto,, a isangul nami kano surga. Ameeeeenmanggula ko?

Monday, November 2, 2009

Ang Regla

Ang Panahon at Period ng Pagreregla
1. Ang Panahon ng Regla. Ang karaniwang edad ng pagkakaroon ng regla ang isang babae ay nasa pagitan ng 12 taon hanggang 50 taon. Maaari ring magkaroon ng regla ang babae bago mag-12 taon o matapos mag-50 taon depende sa kanyang kalagayan, sa kanyang kapaligiran, at sa klima.
2. Ang Period ng Regla. Walang takdang pinakakaunti o pinakamaraming bilang ng mga araw ang regla.
Ang Pagdurugo ng Nagdadalangtao
Karaniwang humihinto ang paglabas ng dugo sa isang babae kapag siya ay nagdadalangtao.
I. Kapag nakakita ang nagdadalang-tao ng dugo dalawa o tatlong araw bago magsilang at may kasama pang pananakit ng tiyan (labor), ang dugong ito ay Nifas.
II. Ngunit kapag nakakita ng dugo, maraming araw o hindi kaya'y dalawa o tatlong araw bago magsilang subalit walang kasamang pananakit ng tiyan (labor), ang dugong ito ay hindi Nifas at hindi rin regla; maliban kung ang kanyang regla ay dati nang tuloy-tuloy na hindi napapahinto ng pagbubuntis sapagkat kung gayon, ang dugong ito ay regla pa rin.
Ang Mga Abnormalidad sa Pagreregla
May iba't ibang uri ng abnormalidad sa pagreregla:
A. Sa bilang ng Araw: sobra o kulang. Halimbawa: kung ang regular na period ng regla (menstrual period) ng babae ay 6 araw at nagpatuloy ang paglabas ng dugo sa ika-7 araw, ito ay sobra; o kung ang kanyang regular na menstrual period ay 7 araw ngunit huminto ang paglabas ng dugo pagdating ng ika-6 araw, ito ay kulang.
B. Sa pagdating: maaga o huli. Halimbawa: kung karaniwang dumarating ang unang araw ng regla tuwing ika-28 araw at biglang dumating, halimbawa, sa ika-26, ito ay maaga; o kung dumating, halimbawa, sa ika-30 araw, ito ay huli. Oras na makita ang dugo, siya ay nireregla na; at oras na huminto ang pagdurugo, siya ay tapos nang magregla—sumobra man o kumulang ang period ng kanyang regla, o mapaaga man o mapahuli ang pagdating nito.
C. Sa kulay: dilaw o kulay putik. Kapag nakita na ang dugo ay manilaw-nilaw na parang nana o kulay putik: nasa pagitan ng kulay dilaw at kulay itim, at kung ito ay nakita sa loob ng period ng regla o karugtong ng period ng regla bago tuluyang huminto ang pagreregla, ito ay regla na nasasaklawan ng mga alituntunin sa regla; kapag naman nakakita ng manilaw-nilaw na dugo matapos na huminto ang pagreregla, hindi na ito regla.
D. Ang paghinto-hinto ng regla. Halimbawa: Sa isang araw ay makakikita ng dugo, sa susunod na araw ay walang makikita at sa susunod pang araw ay mayroon na naman. Ang ganitong pagreregla ay may dalawang kalagayan:
1. Na ang paghinto-hinto ng regla ay palagiang nangyayari sa isang babae sa lahat ng araw. Ito ay dugo ng Istihadah. Ang sinumang nakakikita nito ay nasasaklawan ng alituntunin sa Istihadah.
2. Na paghinto-hinto ay hindi tuloy-tuloy na nangyayari sa isang babae; dumarating lamang ito sa ibang araw at mayroon siyang mga araw pagkatapos niyon na talagang humihinto ang regla. Ang paghinto ng pagdurugo, kung mababa sa isang araw (24 oras), ay hindi tunay na paghinto ng regla. Kaya alinsunod dito, ang paghinto ng daloy dugo ay kailangang hindi bababa sa isang araw upang maituring ito na talagang paghinto ng regla, maliban kung mayroong nagpapahiwatig ng tuluyang paghinto ng daloy dugo gaya halimbawa kung ang paghinto nito ay nangyari sa katapusan ng period ng regla o nakakita ng puting mucus: likidong parang malinaw na sipon na inilalabas ng matris paghinto ng regla.

V. Panunuyo ng dugo. Kung nakadarama ang babae ng pamamasa (wetness) lamang at kung ito ay sa loob ng period ng regla o karugtong ng regla, ang pamamasa na ito ay regla pa rin; at kung pamamasang ito ay nadama matapos na tuluyang huminto ang pagreregla, hindi na ito regla.

Ang Mga Alituntunin sa Regla
1. Ang Salah.
Ipinagbabawal sa isang may regla na magsagawa ng Salah na Fard o Sunnah at hindi ito matatanggap mula sa kanya. Hindi niya tungkuling magsagawa ng Salah habang may regla maliban kung may maaabutan siya sa oras ng isang Salah na kahit isang sandaling kasinghaba ng isang buong rak'ah, naabutan man niya ang Salah sa simula ng oras nito o sa katapusan ng oras nito. Ang halimbawa ng naabutan ang oras ng Salah sa simula ay ganito: kapag ang isang babae ay dinatnan ng regla mga isang minuto pagkatapos lumubog ang araw, kailangang magsagawa siya ng Qada' para sa Salah sa Maghrib pagkatapos ng regla at pagkatapos makapaligo dahil may naabutang humigit-kumulang sa isang minuto sa oras ng Salah na ito bago siya dinatnan ng regla. Ang halimbawa naman ng naabutan sa katapusan ang oras ng Salah ay ganito: kapag huminto ang regla ng isang babae mga isang minuto bago sumikat ang araw, kailangang magsagawa siya ng Qada' para sa Salah sa Fajr pagkatapos ng regla at pagkatapos makapaligo dahil may naabutan siyang humigit-kumulang sa isang minuto sa oras ng Salah na ito nang huminto ang kanyang regla.
Ang Dhikr, ang Takbir (pagsabi ng Allahu akbar), ang Tasbih (pagsabi ng Subhanallah), ang Tahmid (pagsabi ng Alhamdu lillah), ang Tasmiyah (pagsabi ng Bismillah) sa pagkain at iba pang gawain, ang pagbabasa ng Hadith o aklat sa Fiqh (Batas at Patakaran sa Islam) o ang pagsambit ng Du'a' (panalangin), ang Ta'min (pagsabi ng Amen), at ang pakikinig ng Qur'an ay hindi ipinagbabawal sa babaeng may regla. Tungkol naman sa pagbabasa ng isang may regla ng Qur'an, kung titingnan lamang niya ang mga nakasulat na talata ng Qur'an at babasahin ito nang hindi binibigkas, ay hindi ito ipinagbabawal gaya halimbawa kapag may nakalagay na kopya ng Qur'an at titingnan niya ang mga ءyah na nakasulat dito at babasahin ito ng tahimik. Ang karapat-dapat para sa may regla ay huwag basahin ang Qur'an nang may tunog maliban kung kinakailangan, gaya halimbawa kung ang may regla ay isang guro at kailangan niyang ipabigkas ang Qur'an sa mga tinuturuan, o kung siya ay isang mag-aaral at mayroong pagsusulit at kailangang basahin niya ang Qur'an bilang pagsusulit sa kanya, at iba pang dahilang tulad nito.

2. Ang Pag-aayuno.
Ipinagbabawal sa isang may regla na mag-ayuno ng pag-aayunong Fard o Sunnah at hindi ito matatangap sa kanya, ngunit kailangang magsagawa siya ng Qada' para sa mga pag-aayuno sa Ramadan na hindi niya napag-ayunuhan. Kung dinatnan siya ng regla habang siya ay nag-aayuno, wala nang saysay ang kanyang pag-aayuno sa araw na iyon kahit pa dinatnan siya nito mga isang sandali bago lumubog ang araw. Kailangang magsagawa siya ng Qada' para sa araw na iyon kung ang pag-aayuno ay Fard. Kapag naramdaman naman niya ang pagdaloy ng regla bago pa man lumubog ang araw subalit lumabas lamang ang dugo matapos na lumubog ang araw, ang pag-aayuno niya ay buo at hindi nawalan ng saysay. Kung sumapit na ang madaling araw at may regla pa siya, kailangang hindi siya mag-ayuno sa araw na iyon dahil hindi matatanggap ang kanyang pag-aayuno kahit pa huminto ang kanyang regla mga isang minuto matapos sumapit ang madaling araw. Kapag huminto ang regla bago magmadaling araw, kahit mga isang minuto bago magmadaling araw, kailangang mag-ayuno siya sa araw na ito sapagkat tanggap ang kanyang pag-aayuno kahit pa na nakapaligo lamang siya pagkatapos ng madaling araw.

3. Ang Pagsagawa ng Tawaf.
Ipinagbabawal sa isang may regla ang pagsagawa ng Tawaf sa Ka'bah, Fard man o hindi Fard, at hindi ito matatanggap sa kanya. Ngunit ang ibang mga gawain sa Hajj at 'Umrah gaya ng Sa'y sa pagitan ng Safa at Marwah, Wuqof (pagtigil) sa Arafat, Mabit (pagpapagabi) sa Muzdalifah at Mina, ang pagsasagawa ng Ramy sa mga Jamrah, at iba pa ay hindi bawal sa kanya. Kaya alinsunod dito kung nagsagawa siya ng Tawaf habang siya'y walang regla at kaagad na dumating ang matapos niyang magsagawa ng Tawaf o habang nagsasagawa siya ng Sa'y, tanggap pa rin ang kanyang Tawaf o Sa'y.

4. Ang Pananatili sa Masjid.
Ipinagbabawal sa isang may regla na manatili sa Masjid.(1)
(1) Ngunit hindi naman ipinagbabawal ang dumaan lamang.

5. Ang Pakikipagtalik.
Ipinagbabawal sa isang may regla na makipagtalik sa asawa at ipinagbabawal din na payagan niya ang kanyang asawa na gawin iyon. Subalit ipinahintulot naman ni Allah ang anumang gawain na makapagbabawa ng init ng katawan na hindi humahantong sa tuwirang pagtatalik gaya ng yakap, halik at iba pa.

6. Ang Diborsyo.
Ipinagbabawal sa isang lalaki na diborsiyuhin niya ang kanyang maybahay sa panahong ng pagreregla nito. Kung diniborsiyo niya ito habang may regla ito, sinuway na niya si Allah at ang Sugo (SAS) at nakagawa siya ng isang ipinagbabawal. Kaya sa sandaling iyon, ay kailangang balikan niya ang kanyang maybahay at panatilihin ito sa kanyang piling hanggang sa matapos ang regla nito at saka niya diborsiyuhin ito kung nais niya. Ngunit ang lalong karapat-dapat ay hayaan niya muna itong magregla sa ikalawang pagkakataon at kapag natapos na ang regla nito ay pananatilihin niya ito sa kanyang piling kung nais niya o diborsiyuhin ito kung nais niya rin.

7. Ang Paligo.
Kailangang maligo ang isang babae kapag huminto na ang kanyang regla. Hindi na niya kailangang kalagin sa pagkatirintas ang kanyang buhok maliban kung napakahigpit nang pagkakatali at baka hindi na makarating ang tubig sa anit ng ulo. Kapag huminto ang kanyang regla sa oras ng Salah, kailangang magmadali siyang maligo upang maabutan niya ang pagsagawa ng Salah sa oras nito. Kung siya naman ay naglalakbay at wala siyang makitang tubig o kung may tubig man ay nangangamba siya na baka makasama sa kanya ang paggamit ng tubig, o kung siya ay may-sakit na makasasama ang paggamit ng tubig, magsasagawa na lamang siya ng Tayammum sa halip na maligo at kapag nawala na ang mga hadlang sa paligo ay saka siya maligo.

Ang Hijab

Hangad ng Islam na pangalagaan ang pamilya sa pagkalansag at pagguho. Pinaligiran nito ang pamilya ng matatag na pader ng mga kagandahang asal at moralidad upang manatiling ang mga kaluluwa ay malusog at ang lipunan ay malinis: hindi naaantig ng mga malaswang hilig at hindi nabubulabog ng mga tawag ng laman. Naglagay na ito ng mga hadlang upang pigilin ang mga pampapaantig na nag-aanyaya sa tukso. Kaya ipinag-utos nito sa panig ng lalaki at babae na ibaba ang tingin.
Isinabatas ni Allah ang Hijab para sa babae bilang pagpaparangal sa kanya, upang pangangalagaan ang kanyang karangalan laban sa kadustaan at kahihiyan, upang ilayo siya sa panliligalig ng mga buktot at mga halang ang kaluluwa, upang ipagsanggalang siya laban sa mga taong hindi kumikilala sa halaga at kabuluhan ng kagandahang asal, upang ipinid ang pinto ng tukso na idinudulot ng nakalalasong tingin, at upang bakuran ang kanyang dignidad at ang kanyang puri ng muog ng paggalang at pagpapahalaga.
(1) Ang Hijab sa literal na kahulugan nito ay tabing. Ngunit ayon sa pakahulugan nito sa Batas ng Islam, ang Hijab ay ang pagsusuot ng kasuutang bumabalot sa buong katawan ng isang babae kapag nasa harap ng mga hindi niya Mahram.
Nagkaisa na ang mga pantas ng Islam na, maliban pa sa mukha at mga kamay, ang buong katawan ng isang babae magmula sa ulo ay kailangang takpan, hindi ipakikita at na tungkulin niyang hindi ilahad ang kanyang kagandahan at pang-akit sa harap ng mga lalaking hindi niya Mahram. Nahati ang mga Iskolar ng Islam sa dalawang pangkat hinggil sa usapin ng mukha at mga kamay.(1) Ang bawat pangkat ay may mga patunay na pinagbabatayan ng kanilang paninindigan. Kaya maraming mga patunay ang lumitaw hinggil sa Hijab, sa tungkuling isuot ito, at sa pagtatakda ng bahagi ng katawan na kailangang takpan. Ang bawat pangkat ay humahango ng patunay sa isang kalipunan ng mga patunay buhat sa maraming mga patunay. Itinutuon naman nila sa iba't ibang mga dako ang mga patunay na lumilitaw na salungat sa kanilang pananaw.
Ito ang Ilan sa Kanilang mga Patunay:
Sinabi ni Allah (33:53): "… At kapag tatanungin ninyo sila hinggil sa isang bagay ay tanungin ninyo sila sa likod ng Hijab. Iyan ang higit na dalisay para sa inyong mga puso at sa kanilang mga puso. …"
Sinabi pa Niya (33:59): "O Propeta, sabihin mo sa iyong mga maybahay at sa iyong mga anak na babae at sa mga kababaihan ng mga Mananampalataya na ilaylay nila ang kanilang mga balabal sa mga katawan nila. Iyan ang lalong angkop nang sa gayon ay makilala sila upang hindi sila pinsalain. At si Allah ay laging Mapagpatawad, Maawain."
Sinabi pa Niya (24:31): "At sabihin mo sa mga babaeng mananampalataya na magbaba sila ng kanilang mga paningin, pangalagaan nila ang kanilang mga puri, huwag nilang ilitaw ang kanilang gayak maliban sa nakalitaw(2) na buhat dito, paabutiin nila ang kanilang mga belo hanggang sa kanilangmga dibdib, huwag nilang ilantad ang kanilang gayak maliban sa kanilang mga asawa,…"
(1) Ang isang pangkat ay nagsasabing kailangang takpan ang mukha at ang mga kamay, samantalang ang ibang pangkat naman ay hindi naniniwalang kailangang takpan ang mukha at ang mga kamay.
(2) maliban sa nakalitaw na: Gaya ng kamay, panlabas na kasuutan, belo, medyas, at mukha. Ang ibang mga pantas ng Islam ay hindi sumasang-ayong ilantad ang kamay at mukha.
Ayon sa Hadith na nagsasaad na si 'A'ishah (RA) ay nagsabi: "Ang mga mananampalatayang babae ay nagdadasal noon kasabay ng Sugo ni Allah (SAS) ng Salah na pangmadaling-araw. At kapag nakapagsagawa na siya ng Taslim, umaalis sila na nakatalukbong ng kanilang mga balabal at hindi sila nakikilala dahil sa kadiliman."
Sa isa pang Hadith na iniulat pa rin ni 'A'ishah (RA): "Ang mga manlalakbay ay napapadaan sa amin noong kami, kasama ng Sugo ni Allah (SAS), ay mga nasa sandali ng Ihram. Kapag nakasabay nila kami, ibinaba sa mukha ng bawat isa sa amin ang kanyang balabal mula sa kanyang ulo. Kapag nalampasan na nila kami, nag-aalis kami [ng takip sa mukha]."
Sa isa pang Hadith ayon pa rin kay 'ء'ishah (RA): "Kaawaan ni Allah ang mga unang kababaihan ng mga Muhajir (1) dahil noong naibaba ni Allah [ang ayah na ito 2]: '… paabutiin nila ang kanilang mga belo hanggang sa kanilang mga dibdib, …,' hinati nila ang kanilang mga balabal at ipinambelo iyon."
Ang mga patunay ay lubhang marami subalit sa kabila ng pagkakaiba ng pananaw sa usapain ng Hijab, lahat naman ng mga Iskolar ng Islam ay nagkasundo na ipinahihintulot na ipakita ng babae ang kanyang mukha kung talagang kinakailangan gaya rin naman ng pananaw nilang lahat na hindi ipinahihintulot na ipakita ang mukha kapag ang tukso ay pinangangambahang mangyari. Tanggap din pati sa mga nagpapahintulot na ilantad ang mukha na kailangang takpan ng babae ang mukha niya kapag pinangambahan na magkaroon ng tukso sa paglalantad ng mukha. At kay tindi ng pangamba sa tukso sa panahong ito na labis-labis na at laganap na ang katiwalian, dumami na ang mga suwail kay Allah, pinuno na nila ang mga lansangan at ang mga pook, at ang mga mabubuting tao at ang mga nangingilag magkasala ay naging sila naman ang kakaunti.
Ipinagbabawal din ng Islam sa babae ang makihalubilo sa mga kalalakihang hindi niya Mahram. Ang lahat ng ito ay upang pangalagaan ang moralidad, ang pamilya, at ang dangal. Hangad ng Islam ang pag-iingat at ang pagpipinid ng mga pinto ng tukso at ang udyok sa immoralidad. Ang paglabas ng babae, ang kanyang pakikihalubilo sa mga kalalakihan at ang pag-aalis niya ng Hijab ay siyang mga pumupukaw sa tawag ng laman, magpapadali sa pagbibigay ng motibo para gumawa ng krimen, at gagawa sa krimen na madaling maabot. Sinabi ni Allah (33:33): "Manatili kayo sa inyong mga bahay at huwag ninyong itanghal ang inyong alindog gaya ng pagtatanghal ng alindog noong unang panahon ng kamangmangan.…" Sinabi pa Niya (33:53): "… At kapag tatanungin ninyo sila hinggil sa isang bagay ay tanungin ninyo sila sa likod ng hijab. Iyan ang higit na dalisay para sa inyong puso at sa kanilang puso. …"
Mariing ipinagbawal ng Sugo (SAS) ang paghahalubilo ng mga lalaki at mga babae at hinadlangan niya ang lahat ng bagay maaaring mauwi sa paghahalubilo, pati na sa larangan ng mga pagsamba at sa mga pook sambahan. Maaaring mapilitan ang isang babae na lumabas sa kanyang bahay upang pumunta sa isang lugar na may mga lalaki, gaya halimbawa ng pagkuha ng mga pangangailangan at walang isang gagawa niyon para sa kanya, o ng pagtitinda o pagbili upang matiyak na may maipangtutugon sa pangangailangan ng kanyang sarili o ng mga itanataguyod niya, at iba pang mga pangangailangan. Walang masama kapag tulad nito. Kaya nga lamang kailangang isaalang-alang niya ang mga limitasyong iniatang ng Islam kapag nasa labas ng bahay: lalabas siya na suot ang kasuutang inaayunan ng Islam, natatakpan at hindi nakalitaw ang kagandahan niya, at nakahiwalay sa mga lalaki at hindi nakikihalubilo sa kanila.
Kabilang din sa mga pagsasabatas na ginawa ng Islam upang pangalagaan ang pamilya at ang moralidad ay ang pagbabawal na manatili ang isang lalaki sa isang pribadong lugar, halimbawa'y sa isang bahay o silid, kasama ng isang babaeng hindi siya Mahram nito kapag wala itong kasamang asawa o Mahram sapagkat masidhi ang hangad ni Satanas na sirain ang mga kaluluwa at ang moralidad.

Tuesday, October 20, 2009

Ang Kalagayan Ng Babae Sa Islam


Bago natin pag-usapan ang tungkol sa mga karapatan ng babae sa Islam, kailangang linawin muna natin ang ilang mga pananaw sa babae ng ibang mga bansa noon at kung papaano nila siyang tinatrato. Ang mga babae sa mga Griego noon ay naipagbibili at nabibili. Wala siyang anumang mga karapatan sa halip ang lahat ng mga karapatan ay nasa lalaki. Siya ay pinagkakaitan din noon ng karapatang magmana o ng karapatan na mgasiwa ng sariling ari-arian. Sinabi pa nga ng kanilang bantog na Pilosopo na si Socrates: "Ang pagkakaroon ng babae ang siyang pinakamalaking dahilan at pinagmumulan ng pagkasira sa mundo. Ang babae ay nakakawangis ng nakalalasong punong-kahoy na ang panlabas na anyo nito ay maganda subalit sa sandaling nanginain dito ang mga maya, mamamatay kaagad ang mga ito."
Ang mga Romano naman ay naniniwala noon na ang babae ay walang kaluluwa. Wala siyang anumang halaga sa kanila at wala rin siyang mga karapatan. Ang bukang-bibig nila noon ay "Ang babae ay walang kaluluwa." Dahil doon ang mga babae ay naparurusahan sa pamamagitan ng pagbuhos ng kumukulong langis sa kanilang mga katawan at sa pamamagitan ng pagtatali sa kanila sa mga poste. Hindi lamang iyon, itinatali pa nga nila ang mga inosenteng babae sa mga buntot ng mga kabayo at pinatatakbo ang mga ito nang ubod ng bilis hanggang sa mamatay ang mga babae.
Ganoon din ang pananaw ng mga taga-India. At karagdagan pa roon, sinusunog nila ang kapag namatay ang kanyang asawa.
Itinutulad noon ng mga Intsik ang babae sa isang tubig na tumatangay sa kaligayahan at yaman. Ang isang lalaking Intsik noon ay may karapatang ipagbili ang kanyang maybahay at may karapatan din siyang ilibing ito ng buhay.
Ang mga Hudyo naman ay nagtuturing sa babae na isang sumpa dahil siya ang tumukso kay Adan at nag-udyok na kainin ang bunga ng ipinagbabawal na puno. Itinuturing din nilang ang babae ay marumi kapag siya ay nireregla at nagiging marumi ang bahay at ang lahat ng mahawakan niya. Hindi rin siya magmamana ng kahit ano buhat sa kanyang ama kapag siya ay may mga kapatid na lalaki.
Ang tingin naman ng mga Kristiyano noon sa babae ay siya ang pinto ng Demonyo. May isa pang Kristiyanong may mataas na katungkulan sa relihiyong Kritiyano ang nagsabing ang babae ay hindi nauugnay sa lahi ng tao. Nagsabi naman ni San Buenaventura: "Kapag kayo ay nakakita ng isang babae ay huwag ninyong isiping kayo ay nakakita ng isang tao ni isang hayop—ang inyong nakita lamang ay si Satanas mismo at ang tinig na naririnig ninyo ay ang huni ng ulupong."
Ang mga babaeng Inglis, alinsunod sa Pangkalahatang Batas ng Inglatera (English Common Law) hanggang sa kalagitnaan ng nagdaang siglo (ikalabinsiyam na siglo), ay nanatiling hindi ibinibilang na mga mamayan. Wala silang mga karapatang personal at wala ring karapatang magmay-ari ng anumang bagay pati na ang mga damit na kanilang isinusuot. Nagpasya noong 1567 ang Parlamento ng Scotland na ang babae ay hindi pinahihintulutan na pagkalooban ng awtoridad sa anumang bagay. Pinagbawalan naman ng Parlamento ng Inglatera noong panahon ni Haring Henry II ang babae na magbasa ng Bibliya sapagkat diumano siya ay marumi. Noong 586, nagdaos ang mga Pranses ng isang komperensiya upang talakayin kung ang babae ba ay tao o hindi tao. Kinilala nilang ang babae ay tao ngunit siya ay nilikha para paglingkuran ang lalaki. Ang batas ng Inglatera hanggang sa taong 1805 ay nagapapahintulot sa lalaki na ipagbili ang kanyang maybahay, at itinakda pa nga ang halaga ng maybahay sa anim na sterling pennny (kalahati ng schilling).
Sa mga Arabe naman bago dumating ang Islam ang babae ay isang hamak, hindi nagmamana, hindi pinahahalagahan, at walang mga karapatan. Hindi lamang iyon, ang maraming pa sa kanila noon ay naglilibing nang buhay sa kanilang mga anak na babae.
Pagkatapos ay dumating ang Islam upang alisin ang lahat ng kawalang-katarungan na ito sa babae at upang linawin na siya at ang lalaki ay pantay. Kaya naman siya ay may mga karapatan din kung papaanong ang lalaki ay may mga karapatan. Nagsabi si Allah (49:13): "O mga tao, tunay na Kami ay lumikha sa inyo buhat sa isang lalaki at isang babae at gumawa sa inyo na mga bansa at mga lipi upang magkakilalahan kayo. Tunay na ang pinakamarangal sa inyo para kay Allah ay ang higit na nangingilag sa inyo na magkasala. Tunay na si Allah ay Nakaaalam, Nakababatid." Sinabi pa Niya (4:124): "Ang mga gumawa ng mga matuwid—maging lalaki man o babae—habang sila ay sumasampalataya, ang mga iyon ay magsisipasok sa Paraiso at hindi sila gagawan ng kawalang-katarungan ni katiting man." At sinabi pa Niya (:15): "At tinagubilinan Namin ang tao na sa mga magulang ay gumawa ng magaling. …" Nagsabi naman ng Propeta (SAS): "Ang pinakaganap ang pananampalataya sa mga mananampalataya ay ang pinakamaganda ang mga asal sa kanila, at ang pinakamabuti sa inyo ay ang pinakamabuti sa kanilang mga maybahay." Nasasaad din sa Hadith na may isang lalaking nagtanong sa Propeta (SAS): "Sino po sa mga tao ang lalong karapat-dapat sa magandang pakikisama ko?" Nagsabi siya (SAS): "Ang iyong ina." Nagsabi ito: "Pagkatapos ay sino pa po?" Nagsabi muli siya (SAS): "Ang iyong ina." Nagsabi muli ito: "Pagkatapos ay sino pa po?" Nagsabi mula siya (SAS): "Ang iyong ina." Nagsabi muli ito: "Pagkatapos ay sino pa po?" Nagsabi siya (SAS): "Ang iyong ama." Ito, sa maikling salita, ang pananaw ng Islam sa babae.

Ang Pangkalahatang Karapatan
Ang babae ay may mga pangkalahatang karapatan na dapat niyang malaman at kilalanin ng lahat upang kanya itong matamasa nang lubusan kung kailan man niya ito naisin at gustuhin. Ang kabubuan ng mga karapatang ito ay ang sumusunod:
1. Ang karapatang magmay-ari. Ang babae ay may karapatang magmay-ari ng anumang naisin niya (kung kaya niya) gaya ng mga bahay, mga lupain, mga pagawaan, mga pataniman, ginto, pilak, at iba't ibang mga uri ng hayop—maging siya man ay isang maybahay o isang ina o isang anak o isang kapatid.
2. Ang karapatang mag-asawa, pumili ng asawa, tumutol na ipakasal sa lalaking ayaw niya, at humingi ng diborsiyo kapag nagdurusa sa piling ng asawa. Ang mga ito ay mga karapatang napagkaisahan ng mga pantas ng Islam na nauukol sa babae.
3. Ang karapatang matuto ng lahat ng kanyang kailangan tulad ng kaalaman tungkol kay Allah, kaalaman tungkol sa pagsamba sa Kanya at kung papaanong isasagawa ang mga ito, at kaalaman tungkol sa mga tungkuling kailangang gampanan niya, mga kagandahang asal ukol sa kanya, at mga pag-uugaling mahusay na kailangan taglayin niya. Batay ito sa pangakalahatang kauutusang nasasaad sa sinabi ni Allah (47:19): "Kaya dapat na malaman mo na walang Diyos kundi si Allah, …" at sa sinabi ng Sugo (SAS): "Ang paghahanap ng kaalaman ay tungkulin ng bawat Muslim at Muslimah."
4. Ang karapatang magkawanggawa ng anumang naisin niya buhat sa ari-arian niya at gumugol buhat dito para sa sarili niya at para sa kanino mang naisin niya gaya ng asawa, mga anak, at mga magulang hangga't hindi humahantong ang paggugol sa pag-aaksaya. Ang nauukol sa kanya sa sa usaping iyon ay ang nauukol din sa lalaki.
5. Ang karapatang magmahal at masuklam: may karapatan siyang mahalin ang mga matutuwid na babae, dalawin, sila pagkalooban sila ng regalo. Maaari rin niya silang sulatan, alamin ang kanilang kalagayan at aliwin sa kanilang dalamhati. Karapatan niyang kasuklaman at kamuhian ang mga babaeng tiwali at iwasan sila alang-alang kay Allah.
6. Ang karapatang maghabilin ng hanggang sa ikatlong bahagi (1/3) ng kanyang ari-arian habang nabubuhay pa at ipatutupad naman sa kanyang pagyao nang walang pagtutol sapagkat ang paghahabilin ay personal na karapatan ng lahat. Kung paanong ito ay maaari sa lalake, maaari rin sa babae sapagkat walang sinuman ang hindi mangangailangan ng gantimpala ni Allah. Ngunit sa kundisyong hindi niya—at gayon din ang lalaki—palalampasin ang habilin sa ikatlong bahagi (1/3) ng kabuuan ng personal na ari-arian. Karagdagan pa rito, may karapatan din ang babae na magmana sa maiiwang ari-arian ng kanyang magulang, asawa, at mga kamag-anak.
7. Ang karapatang magsuot. May karapatan siyang isuot ang anumang maibigan niya gaya ng seda at ginto—na ipinagbawal sa mga kalalakihan—ngunit wala siyang karapatang maghubad ng kasuutan, mag-alis ng damit, magsuot ng maiiksing damit, o mag-alis ng belo sa ulo, o palitawin ang leeg at dibdib maliban kung ang kanyang asawa lamang ang kanyang kapiling.
8. Ang karapatang magpaganda para sa asawa. Maaari siyang gumamit ng eye-liner, pulbos, lipstick at iba pang make-up kung ibig niya; magsuot ng pinakamaganda at pinakamagandang hiyas maliban sa mga damit na kilalang gamit ng mga hindi Muslimah o kilalang gamit ng mga kalapating mababa ang lipad, hindi niya isusuot ang mga ito upang maiwasang mapagdudahan.
9. Ang karapatan sa pagkain at inumin. Maiinom at makakain niya ang masarap at mabuti para sa kanya. Walang ipinagkaiba ang babae sa lalaki pagdating sa pagkain at inumin. Ang anumang ipinahintulot na pagkain at inumin ay kapwa ipinahihintulot sa mga lalaki at mga babae at ang anumang ipinagbawal sa mga ito ay kapwa bawal sa lalaki at babae. Sinabi ni Allah (7:31): "… At magsikain at magsiinom kayo ngunit huwag mag-aksaya; tunay na Siya ay hindi nagmamahal sa mga nag-aaksaya." Ang talatang ito ay angkop sa kapwa babae at lalake.

Ang mga Karapatan ng Babae sa
Kanyang Asawa
Kabilang sa mga natatanging karapatan ng babae ay ang kanyang mga karapatan sa kanyang asawa. Ang mga karapatan na iyon ng babae ay katumbas ng mga itinakdang tungkulin niya sa kanyang asawa. Ang mga ito ay ang tulad ng pagsunod sa asawa sa mga bagay na hindi pagsuway kay Allah o sa Sugo Niya (SAS), paghahanda ng kanyang pagkain at inumin, pag-aayos ng bahay, pagpapasuso sa mga anak nito at pag-aalaga sa kanila, pangangalaga sa kanyang mga ari-arian at karangalan, pagkalinga sa kanyang sarili, pagpapaganda at paggamit ng pampaganda para sa ikasisiya ng asawa, na mga ipinahihintulot na iba't ibang uri ng mga pampaganda.
Ito naman ang ilan sa mga karapatan ng babae na tungkuling gampanan ng lalaki sa kanya batay sa sinabi ni Allah (2:228): "… At sila na mga babae ay may karapatang katulad ng tungkulin nila ayon sa kung ano ang makatuwiran; …" Babanggitin natin ang mga ito upang malaman ng isang Muslimah at hilingin ang mga ito sa kanyang asawa nang walang halong hiya at pangamba. Tungkulin naman ng asawa na ibigay ang mga ito nang buo sa kanyang maybahay maliban na lamang kung ipagpaparaya niya ang iba pa niyang mga karapatan sapagkat karapatan niya rin iyon.
1. Ang pagsustento sa maybahay ayon sa kalagayan ng asawa: sa kagipitan man o sa kaginhawahan. Nasasakop ng sustento ang kasuutan, pagkain, inumin, gamot, at tirahan.
2. Ang pangangalaga sa kanya: sa karangalan niya, sa katawan niya, sa ari-arian niya, at sa relihiyon niya, yaman din lamang na ang asawa ang tagapangalaga ng maybahay, at ang tungkulin ng tagapangalaga ng anuman ay ang pag-ingatan ito at ang pangalagaan ito.
3. Ang pagtuturo sa kanya ng kinakailangang mga kaalaman tungkol sa pananampalataya. Kung hindi kaya ng asawa na gawin iyon, pahihintulutan ito na matuto sa pamamagitan ng pagdalo sa mga aralin para sa mga kababaihan na idinaraos sa mga Masjid, sa mga paaralan o sa iba pang lugar kung may katiyakang walang mangyayaring masama, kapinsalaan sa kanya at sa asawa.
4. Ang mabuting pakikitungo sa kanya sapagkat ang sabi ni Allah (4:19): "…At pakitunguhan ninyo sila ayon sa kung ano ang nakabubuti. …" Kabilang din sa mabuting pakikitungo sa kanya ay hindi ipagkakait sa kanya ang pangangailangan niyang seksuwal, at hindi siya sasaktan sa pamamagitan ng panlalait o pag-insulto o paghamak o pagmaliit. Bahagi pa rin ng mabuting pakikitungo sa maybahay ay hindi siya pipigilang dumalaw sa mga kamag-anak niya kung walang kinanatatkutan na masamang maaaring mangyari sa kanya, hindi siya aatangan ng gawaing niya makakaya, at maging mabuti sa kanya sa salita at sa gawa sapagkat ang sabi ng Sugo (SAS): "Ang higit na mabuti sa inyo ay ang higit na mabuti sa kanyang maybahay, at ako ang higit na mabuti sa inyo sa aking maybahay." at ang sabi pa niya: "Walang nagpaparangal sa mga babae kundi marangal at walang humahamak sa kanila kundi hamak."

Tuesday, August 25, 2009

مكانة المرأة في الإسلام

SO KAMBETADAN NO BABAY SA ISLAM

Uman i bantugan na kano Allah, a Kadenan o langon o mga kaaden. So salawat endo so sagyahatra na nanget kano pangahulo tano a Nabi Muhammad (S'AWS) a sekanin ba i muli-puli kano mga Nabi endo mga Sugo.

So mga babay kano timpo a paganay na sangat a makalido sa ginawa, ka dala den mon alaga nilan kano mga tao, pamadasan no mga kaluma nilan, dili pedtaliman so mga pamikilan nilan, ibpagiling den silan sa mga uripen apiya ngin i pakaidan kanilan na dala den kawagib nilan apya paido bo. Ya talima no mga taw kano timpo a dala pan kasabuti so Agama Islam, timpo a kainurantiyan na so mga babay na pakabinasa kano pamilya tembo di nilan den pagenggan sa alaga taman man sa naka sampay pan sa uman i imbata a babay na pangimatayan nilan den kagina entuba i sabapin na pakababa kon so ngalan no uman i pamilya sabap kanilan a mga babay, ya ukit a kabpangimatay nilan kano mga wata babay na pegkalot silan sa lupa tupan na ibpagulog nilan kano kalot banto so wata nilan a babay a bibiyag na tampulan nilan den banto sa lupa sa so wata babay na paguguliyang den a pananawag sa ama ko ngin i pakaidan ka anya salaki? Ngin i kasalanan ko! Tampulan manem no ama nin sa lupa na makatekik manem so wata babay taman sa ento den ba i ipatay nin ka katambakan den a lupa sa diden makaginawa.

Guna makauma so Agama Islam a nakanggulalan kano Nabi Muhammad (S'AWS) na natelenan into a galbekan a kabpangimatay sa wata babay ka inisapal sa daden a kapegkapakay nin i pamunon so mga wata babay endo di kena so mga babay i sabap a kapegkabinasa na uman i pamilya, tembo so ped kano mga Sahabah no Nabi a nabuno nin so wata nin a babay na nakapaguguliyang sa tidto a kinadsendet kano ulyan a kinasabot nin sa so mga babay na masla besen i kambetadan sa Islam. Kagina ka mayto na niya so mga ped a kambetadan o mga babay sa Islam:

· So mga wata babay na dala embidayan nilan kano mga wata mama, tembo dili mapakay a pamunon so mga babay.
· So mga wata babay na amaingka dili ibida no lukes kano mga wata nin a mama yamayto na di nin ilabi so wata nin a mama kumin ko babay, na kadsabapan a kapakaludep no lukes sa Surga.
· So mga babay na aden a kawagib nilan siya kano mga mama, sa maito bon ba so mga mama aden kawagib nilan kano mga babay.
· So mga babay na di mapakay a ya bo ilain na so kamistikan nilan, ka upama ka aden a kamistikan no mga mama na maito bon ba so mga babay.
· So mga babay na dimapakay a kalipungetan no mama sa subra, ka upama ka kalimban silan a mga babay na ilain no mama so mga kapyanan nilan a mga babay ka madakel bon mambo i mga kapyanan nilan.
· So mga babay na inipanutuma no Nabi bago sekanin matay i pamandon silan sa mapya, ka inaden so mga babay sa yanilan kaasalan na pon sa tardas a bigkog sa amaingka pakatidton nengka na makin matebped amaingka manem ka pakandayan nengka na matatap den bigkog.
· So mga babay na nalabit bon o Nabi i saden sa mama a aden lon i mga wata babay atawka mga suled a babay sarta na tinuganol nin silan sa mapya endo sinugutan nin silan sa kagkaluma, na mapasalkanin so Surga yanin ma'na na kadsabapan a kapakaludep nin sa Surga.
· So mga babay na isa a nalabit kano mga Surah sa Qur-ân mana so SURAH AN-NISA, na ped kano mga nambityala kano niya ba a Surah so katidto endo kapangalimuan.
· So mga babay a inaden no Allah a bayanan atawka ibaratan kano mga taw a paratiyaya, nalabit sa Qur-ân sa Surah Tahreem: 11, 12 – mana si Asyah a kaluma ni Fir'aon endo si Maryam a ina ni Esa (alaihis salam) na tanda inya sa masla i kambetadan no mga babay sa Islam.
· So mga babay na silan i sabad kano kakumplituwan no maginged, mana so kagkadakel o manusya endo so katuganol nilan kano mga nakasangan sa kanilan.
· So mga babay na inaden no Allah go masampay no mga mama so kapipiya a ginawa, sarta na maaden kano pamageletan nilan so lilini endo limo.
· So mga babay na aden bon mambo kanilan a jihad ka so katunay nilan kano hajj na entuba i jihad nilan, sarta na madakel bon kano nanga una a timpo i nanga shaheed kano mga babay.

Amaingka ya tano manem ilain so mga babay kano nanga una a timpo na:

· Si Hawwa – na inaden no Allah para ki Adam go makapangintelen atawka masampay nin so kapipiya a ginawa kano timpo a kalido ginawa nin sa dala kaped nin.
· Si Sarah a kaluma ni Ibraheem (alaihis salam) – na so timpo a nakanisisita silan abenal sa wata na natengkad so paratiyaya nin ka nakanggulalan nin so kasabar, nakasampay pan sa siyawpulo (90) lagon i umor nin tupan ka naadenan silan a wata.
· Si Hajar a kaluma bon no Ibraheem (alaihis salam) – na so timpo a initagak sekanin i kaluma nin silan kano wata nin a manawt mana si Ismael (alaihis salam) sa dala den mon a kawyagan na nakanggulalan nin bon so kasabar sa yanin bo nadtalo kani kaluma nin na upama ka nan den ba i suguwan salka no Allah na maito den ba ka di kami Nin bon pakandayan.
· So babay a ina ni Musa (alaihis salam) – na so timpo a panguwan so mga magingay endo pangimatayan ni Fir’aon so mga wata a mama na sangat a nakaukit sa kamarasayan ugaid na nakanggulalan nin bon so kasabar taman sa guna makaliyo so wata nin na nagaganin pan i siya nin den itago so wata kano kawn sarta na inanod nin sa lawasaig.
· So babay a kaluma ni Ayub (alaihis salam) – na so timpo a midsakit si kaluma nin sa dala pagidsan nin a sakit ka nangaledak den so lawas na nakanggulalan nin bon so kasabar ka danin itagak si kaluma nin taman sa nakasawt pan sa so bok nin na natebpedan nin sabap den kano kinasimpit a kabpaguyag.
· Si Maryam a ina ni Esa (alaihis salam) – na so timpo a pinangantap sekanin o mga taw sa minggula sa kadupangan kano kinambata nin sa dala ama nin na nakanggulalan nin bon so kasabar ugaid na kano ulyan o kinaturo nin kano wata na nakadtalo so wata a siya pan sa puyutan, madelag i dili mataw salkanin sa kapya endo kalinis nin a babay.
· Si Khadeejah a kaluma no Nabi Muhammad (S'AWS) – na so timpo pan a kainurantiyan na dala sekanin maka simba sa apya isa bo a barahala sabap kano kapya endo katulanged nin a babay sarta na masla pan sekanin i tamok atawka ka kawasa endo sekanin ba i pagampaganay a tinumalima kano Agama Islam.
· So mga ped a karuma no Nabi, endo so mga mapiya a mga babay kano timpo nin na sangat a masla a padsa no kapya a kambetadan o mga babay sa Islam…

Uway, inantisan sa mapya i kambetadan no mga babay sa Islam ugaid na aden bon mambo a mga enggagaisa a dayt-patot a kasabutan no mga babay ula-ula a kadsanggilan nilan so entuba ba enggagaisa sarta na go nilan masampay so kamis a kambetadan nilan sya sa Dunya sampay den sa gay a mauri. Ugaid na so niya ba na embityalan tano bo sa mga tumundog a timpo…

Sunday, August 23, 2009